Bank Secrecy Law sa gov’t. officials tanggalin na, nagsisilbing proteksyon sa mga ‘buwaya’
- BULGAR

- Oct 17
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 17, 2025

SALN NI RET. OMBUDSMAN MARTIRES UNANG ISAPUBLIKO PARA MALAMAN NG TAUMBAYAN KUNG BAKIT PINAKATAGO-TAGO NIYA NOON ANG SALN NG MGA GOV’T. OFFICIAL -- Matapos sabihin ni Ombudsman Boying Remulla na open na sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno, na dati ay ayaw isapubliko ni retired Ombudsman Samuel Martires, ay sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na dapat daw ang unahing isapubliko ay ang SALN ng former Ombudsman (Martires) at baka sakali ay malaman ng mamamayan kung bakit ayaw ng dating Ombudsman na ilantad sa taumbayan ang mga SALN ng mga gov't. official noong panahon ng Duterte administration.
Kaya kung sakaling mailantad sa publiko ang SALN ni ret. Ombudsman Martires at makitang lumaki at dumami ang kanyang kayamanan, tapos matuklasan pang may mga hidden wealth siya, asahan na ng mamamayan na patong-patong na kaso ang isasampa ni Ombudsman Remulla sa retiradong Ombudsman, abangan!
XXX
BANK SECRECY LAW SA GOV’T. OFFICIALS DAPAT TANGGALIN NA DAHIL NAGSISILBI ITONG PROTEKSYON SA MGA ‘BUWAYA’ SA PAMAHALAAN --Ngayong open na sa publiko ang SALN ng gov’t. officials, ang dapat next na gawin ng Marcos administration kung paninindigan na nila ang kampanya laban sa corruption ay tanggalin na ang bank secrecy law sa mga taong-gobyerno.
Sa totoo lang naman, itong bank secrecy law ang nagsisilbi pang proteksyon sa mga "buwaya" sa pamahalaan, boom!
XXX
KAY FPRRD NAG-BOOMERANG ANG SINABI NI VP SARA NA DAPAT IMBESTIGAHAN MAANOMALYANG KONTRATA SA LAPTOP NA PINASOK NI EX-REP. ZALDY CO SA DEPED -- Sablay ang sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na dapat daw imbestigahan din ni Ombudsman Remulla ang overpriced na P2.4 billion kontratang pinasok ng Sunwest Group of Companies na pag-aari ni resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Dept. of Education (DepEd).
Nasabi nating sablay dahil nag-boomerang ito kay FPRRD dahil sa panahon ng pandemya, year 2020 nang maganap ang kontratang ito ng pamilya ni Zaldy Co at ng mga DepEd official sa pamumuno ng noo’y DepEd Sec. Leonor Briones, na ibig sabihin panahon ito ng Duterte admin, at dahil diyan damay na naman sa isyung ito ang ex-president, ikinokonek siya (FPRRD) sa ngayon sa anomalyang ginawa sa DepEd ng dating partylist congressman, tsk!
XXX
HUMAHARANG SA INTERIM RELEASE NI FPRRD NA ICC CHIEF PROSECUTOR SIBAK NA, MAY PAG-ASA NA KAYANG MAKALAYA SA ICC JAIL ANG EX-PRESIDENT? -- Diniskuwalipika ng International Criminal Court (ICC) si ICC Chief Prosecutor Karim Khan sa pagdinig sa kasong crimes against humanity kay former President Duterte (FPRRD) dahil sa isyung conflict of interest, dahil naging abogado raw ito ng mga biktima ng human rights ng Duterte admin.
Masasabing nakapuntos diyan ang kampo ni FPRRD lalo’t may apela ang defense counsel na pagbigyan ang kahilingan ng pamilya Duterte ng interim release sa dating pangulo, dahil nga si ICC Chief Prosecutor Khan ang harang nang harang sa hirit ng kampo ng ex-president na pansamantala siyang palayain sa pagkakakulong sa ICC jail, period!







Comments