top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Banggaang Ravena at Paras sa B.League, sino ang mananaig?

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | October 08, 2021




Sabik na ang Filipino basketball fans na mapanood ang banggaan nina Thirdy Ravena ng San-En NepPhoenix at Kobe Paras ng Niigata Albirex BB ngayon weekend sa Japan Professional Basketball League (B.League).


Ayon kay Ravena, sabik na siya sa laban nila ng kanyang kaibigang si Paras. “It’s such an exciting feeling because Kobe and I, we go way way back. We’ve been teammates since we were nine or 10 years old,” ani Ravena sa ginanap na virtual press conference para sa kanyang docu-film “Local Hero” sa Vivamax.


Naalala ng dating Ateneo star na nakasama niya si Paras sa grade school sa La Salle Green Hills at nagkalaban sila sa laro sa University Athletic Association of the Philippines nang maglaro ito sa University of the Philippines. “Kobe and I have been friends for a long time so it’s really fun. It’s exciting that we will also go up against each other here in Japan,” ani Ravena.


Kahit magkaibigan ang dalawa sa labas ng court, ibang scenario umano ang magaganap kapag naglaro na sila ngayong weekend. “This weekend, mukhang magkalaban muna kami,” pabirong sabi ni Ravena. “It’s gonna be very exciting and at the same time, it’s something the Filipino people would hopefully be proud of once again.”


Nagkaroon ng magkaibang resulta ang laban ng San-En Neophoenix ng makaharap nito ang team ni Kiefer Ravena na Shiga Lakestars nang dalawang beses noong isang linggo.


Samantala, si Paras ay nagpasabog ng 25 points sa unang laro nito sa Niigata. Nagkaroon din ng isang panalo ang Niigita sa dalawa nitong unang laro sa opening week ng B.League.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page