Balik-showbiz na rin… DIEGO, BIBITBITIN NA SA 'PINAS ANG MAG-INA
- BULGAR
- Aug 19, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 19, 2023

Ayon sa aming reliable source na misong nasa Perth, Australia, pauwi na ng ‘Pinas ang aktor na si Diego Loyzaga kasama ang karelasyong Filipina model na si Alexis Suapengco at ang kanilang baby girl na si Hailey. May Australian passport na raw ang anak ni Diego.
Tiyak na pag-uwi ng aktor sa ‘Pinas ay haharapin na niyang muli ang kanyang showbiz career para maitaguyod ang kanyang mag-ina.
Ayon pa sa ilang kaibigan ni Diego, sobrang mahal na mahal nito si Baby Hailey at siya ang aligaga sa pag-aalaga sa kanyang anak. Lagi niyang karga-karga si Baby Hailey at halos ayaw na niyang iwanan.
Nauna nang bumalik ng ‘Pinas ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga na pumunta lang sa Australia upang makita ang kanyang apo.
Mas supportive si Teresa ngayong tatay na si Diego. Tanggap niya ang mag-ina ng kanyang anak.
Well, hindi naman nagkaroon ng ka-love team ang aktor noon at puwede rin siya sa kahit anong klaseng role.
Puwede siyang tumanggap ng anumang project kahit may anak na siya ngayon. And for sure, susuportahan din si Diego ng kanyang ama na si Cesar Montano.





Comments