Bakunadong Dela Hoya naospital sa COVID-19
Updated: Sep 6, 2021
ni MC - @Sports | September 05, 2021

Sinusuportahan ng oxygen si Legendary East Los Angeles boxer Oscar De La Hoya nitong Biyernes dahil tinamaan ng COVID-19, sa kabila ng kanyang pagiging fully vaccinated, kung kaya umatras na ito sa plano niyang laban na nakatakda sa susunod na Linggo sa Staples Center.
Inanunsiyo sa Twitter sa pamamagitan ng kanyang video bagamat nahihirapang huminga si De La Hoya sa kanyang hospital bed, “What are the chances of me getting COVID? I’ve been taking care of myself. This really, really kicked my ass.”
Kasunod ng kanyang social media post bukod sa video ay ang mga katagang, “Wanted you to hear directly from me that despite being fully vaccinated, I have contracted COVID and am not going to be able to fight next weekend. Preparing for this comeback has been everything to me over the last months & I want to thank everyone for their tremendous support. I am currently in the hospital getting treatment and am confident I will be back in the ring before the year is up. God bless everyone and stay safe.”
Kasagsagan pa naman ng training ng 48-anyos na fighter para sa kanyang comeback fight kontra dating UFC champion Vitor Belfort na nakaiskedyul sa Setyembre 11 sa Staples Center pero nagkasakit ito.
Nabalita pa noong una na isinusulong ang laban niya kay former heavyweight champion Evander Holyfield, 58, sa halip na si Belfort ang harapin. Pero hindi sanctioned ang laban ng California State Athletic Commission. Ayon sa ulat, maaring idaos ang laban sa Florida kung hindi aaprubahan ng CSAC ang laban filang professional matchup o gawing exhibition bout.
Habang isinusulat ito kahapon ay hindi pa malinaw kung saang ospital na-admit si DL hoya. Ayon sa Los Angeles Times, nakasalamuha pa ni Oscar ang mga reporters nitong nakaraang araw sa downtown Los Angeles sa headquarters ng Golden Boy boxing company.





Comments