top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bakeshop at resto, tagilid daw magsara…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
2 min read

KA TUNYING, INIHAHANDA NA ANG KASO SA TAUHANG NAGNAKAW SA NEGOSYO NIYA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 17, 2020




Sunud-sunod ang mga problemang pinagdaraanan ngayon ng dating ABS-CBN newscaster na si Anthony Taberna.


Una'y ang pagsasara ng Kapamilya Network kung saan siya'y isa sa mga kinikilalang frontliners tungkol sa pagbabalita.


Hindi napagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN, kaya't with his former bosses' blessing, itinuloy ni Ka Tunying ang pagbo-broadcast sa ibang radio station.


Kasunod nito'y ang pagkakasakit ng kanilang panganay ng misis na si Roselle na si Zoey, na nakikibaka pa rin hanggang ngayon sa leukemia.


Ngayon naman, ang pagnanakaw ng isang taong kanyang pinagkakatiwalaan sa kanilang negosyo. Hindi man binanggit ni Ka Tunying na milyones ang ninakaw sa kanila ng asawang si Roselle Taberna sa kanilang Ka Tunying's Resto, naging dahilan ito para maharap sa tuluyang pagsasara ang kanilang negosyo dahil sa laki ng perang ninakaw ng nasabing tao.


“Mayroon kaming isang bagay na kanina pa namin pinag-uusapan kung puwede naming i-share dito sa Magandang Buhay,” saad ni Ka Tunying sa panayam sa kanya ng nasabing programa.


“Isipin mo, hirap na hirap kami. Alam mo ‘yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey, sa kanyang kondisyon, mabigat ‘yun. Minsan, napupuntahan n'yo itong Ka Tunying’s, nadiskubre namin, two weeks o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagkakatiwalaan namin dito sa kumpanya,” kuwento ni Ka Tunying.


Sinabi pa ng news anchor, hindi lang umano maliit na halaga ang nakuhang pera sa kanila mula sa pagtitinda ng tinapay.


“Eh, sabi ko, napakahirap naman ‘yung ganu’ng sitwasyon at hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kumpanya. Kumbaga, kumita ka nang konti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yun, tapos kukuhain lang ng ibang tao,” ani Ka Tunying.


“Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon, ‘yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng bangko, kasi malaking halaga.”


Bagama’t nasa operasyon pa ang kanilang resto at bakeshop, aminado ang beteranong broadcast journalist na may posibilidad na magsara ang kanilang kumpanya lalo pa’t hindi biro ang nawalang pera sa kanila.


“Sabi ko nga, kundi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man, ipinagtapat ko na sa manager namin na baka ihanda natin ang sarili natin sa pagsasara ng kumpanya. Sobra kasing laki nu'ng nawala kaya napakahirap ng pangyayari ngayon,” kuwento pa ng award-winning journalist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page