Bakasyunista na nawalan ng passport sa ibang bansa
- BULGAR
- Oct 30, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 30, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako ay nagbabakasyon sa Hong Kong, ngunit nawala ang aking pasaporte. Sinabihan ako na kailangan ko pang maghintay ng 15-araw bago mabigyan ng bagong pasaporte. Tama ba ito? – Farrah
Dear Farrah,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 15 ng Republic Act No. 8239, o mas kilala bilang “Philippine Passport Act of 1996” na hindi na kakailanganin pang maghintay ng 15-araw basta mapatutunayan ng Pilipino na bumabiyahe sa ibang bansa na nawala ang kanyang pasaporte. Ayon sa nasabing batas:
“SEC. 15. Loss or Destruction. – x x x
No new passport shall be issued until satisfactory proof is shown that the passport was actually lost and after the lapse of fifteen (15) days following the date of submission of the affidavit of loss as herein required: Provided, however, That in the case of a passport reported lost by a Filipino travelling abroad, the Consulate may waive the fifteen (15) days requirement if the loss has been proven to the Consular Official’s satisfaction:
Provided, further, That in case the Filipino who reported a loss of passport is returning to the Philippines, the holder may be issued a Travel Document: Provided, finally, That in the event the lost passport is found, it should be destroyed if a replacement has been issued, or mailed to the holder who was issued a Travel Document. xxx ”
(Binigyang-diin)
Malinaw sa batas na nabanggit na maaaring i-waive ang 15-araw upang mabigyan kayo ng panibagong pasaporte.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments