Baka raw huling birthday na niya… KRIS, NAGPASALAMAT NA SA MGA ANAK, KAPAMILYA AT KAIBIGAN
- BULGAR
- Feb 16, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 16, 2024

Isang makabagbag-damdaming birthday message ang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang social media account.
Nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang Queen of All Media last February 14.
Ang kanyang birthday message, "I still want to live, I know the odds are against me- dahil ang puso hindi pwedeng diktahan pero sana sa tulong ng dasal n'yo mabigyan pa ko ng konting extension. YOU HAVE MY LOVE & ETERNAL GRATITUDE. Happy Valentine's Day."
Hiling niya na patuloy siyang ipagdasal sa gitna ng kanyang pinagdaraanang karamdaman.
Hindi lang para sa sarili ang hinihiling na prayers ng ina nina Josh at Bimby kundi maging sa mga taong malalapit sa kanya na may mga karamdaman din.
"Pa-birthday n’yo na please- I have a few loved ones and dear friends battling very difficult illnesses as well. PLEASE PRAY FOR THEM, too."
Bumuhos naman ang mensahe ng suporta at pagdarasal para sa tinaguriang Queen of All Media, lalo't parte ng kanyang mensahe ay nagpapasalamat na sa mga taong mahal niya.
Aniya, "Just in case this is the last birthday I get to celebrate here on earth, THANK YOU Kuya & Bimb for the precious privilege of being chosen to be your mom. THANK YOU to my sisters for their love & generosity. THANK YOU to my small but very close circle of cousins & friends who have shared my life and their lives with me. THANK YOU to all of you for making all my childhood dreams come true."
Habang tina-type namin ang artikulong ito ay hindi namin mapigilang maluha.
Krissy, marami ang nagmamahal sa 'yo. Kapit lang nang mahigpit at huwag mawawalan ng pag-asa.
Remember, PAPA GOD LOVES US ALL!!!





Comments