Baka raw biglang mamatay, may pamana na… VICE, BINIGYAN NG BAGONG 3-STOREY HOUSE ANG PAMILYA
- BULGAR
- Aug 15, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 15, 2021

Tulaley ang ina ng It's Showtime host na si Vice Ganda na si Mommy Rosario Viceral sa panibagong sorpresa na bonggang balur para sa kanya ng Unkabogable Star.
Clueless si Mommy Rosario at iba pa niyang Kapamilya kung saan sila dinala ni Vice para sa selebrasyon ng birthday ng kapatid niyang doktora, ang kanyang Ate Tina.
All along, they thought iti-treat sila ni Vice for his Ate Tina's birthday sa isang resto. Kaya, ganu'n na lang ang pagkabigla nila nu'ng dalhin sila sa isang bagong bahay.
May pa-clue ang pamilya ni Vice habang nasa loob ng sasakyan patungo sa lugar na dadalhan sa kanila, not knowing na may hidden camera sa loob ng kotse, ay nakita nila ang bahay ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto along the way.
Dagdag-tsika pa ng mga kapamilya ni Vice, doon pa rin nakatira si Angeline at 'di pa rin lumilipat sa bago niyang bahay.
Meaning, may bago raw bahay si Angeline.
Aba, may bagong van na, and now, bagong bahay pa. Bongga ni Angeline, ha?
Going back sa bagong balur ng Viceral family, ang tagal bago nag-sink-in sa pamilya ni Vice, especially sa mom niya na inakalang pina-prank lang siya ng anak.
Walang masabi si Mommy Rosario nu'ng tinanong siya ni Vice kung happy ba siya sa bago niyang bahay.
“Wala ka namang dapat sabihin. Just be happy. You deserve this,” pag-alo ni Vice sa ina.
May tatlong palapag ang bagong bahay nina Mommy Rosario at pito or walo raw ang kuwarto kasama na ang napakalaking master's bedroom dahil sa napakalaking walk-in cabinet at toilet & bath na may mamahaling bath tub.
At ang nagpasosyal pa sa bagong bahay ng Pamilya Viceral ay ang swimming pool.
Sabi ng ate ni Vice, “Ang bongga mo lang dito. Walang enough na words to say thank you sa ‘yo. Kaya ang bongga ni God sa iyo, kasi ang bongga mo rin sa amin,” habang mangiyak-ngiyak.

At the end of the video, naghayag si Vice ng kanyang damdamin at rason kung bakit niya binigyan ng bagong bahay ang kanyang pamilya.
“Meron na rin akong fear na, ‘Oh, my God, ako kaya, kailan ako babawiin? Sino pa kaya ‘yung mas malalapit pa na mawawala?’
“Kaya bago pa mangyari ‘yun, hangga’t kaya kong magbigay ng masayang memory o magandang regalo sa kanila, gagawin ko na.
“Hindi ko alam kung nandoon pa ako bukas, next month, o next year.
“Sobra naman ‘yung ipon ko. Sino’ng makikinabang?
“Eh, di kami-kami rin naman. Gusto kong maramdaman ng family ko, ma-experience nila ‘yung sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila.
“Gusto kong maramdaman naming lahat ‘yung masarap, ‘yung masaya, ‘yung maganda.
“Napaka-precious sa akin ng panahon, kaya ayoko nang mag-aksaya. Hangga’t may time, gusto kong makagawa at makapagbigay ng magandang pakiramdam sa pamilya ko,” lahad ni Vice.
Wish pa ni Vice, sana, lahat ay mabigyan ng magagandang oportunidad sa buhay para ma-experience rin ang sarap ng buhay.
Sana raw, lahat ay daanan ng suwerte.
“Pinakamasarap na pakiramdam ‘yung alam mo na ang pamilya mo, masaya,” say pa ni Vice.
Samantala, patuloy na tinututukan ng mga televiewers ang Madlang Pi-POLL segment ng noontime show nina Vice, ang It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.
Congrats sa mga taga-It's Showtime na nakaisip ng concept about Madlang Pi-POLL!








Comments