top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Baka matulad daw kina JM, Paul at Ryle… DIEGO, PINAG-IINGAT KAY BARBIE NA PLAYGIRL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 9, 2021




Hindi maganda ang impression ng ilang sektor kay Barbie Imperial dahil sa kanyang mga komento sa mga ex-BFs niyang sina JM De Guzman at Paul Salas.


Na-link din siya noon sa Hashtags member si Ryle Santiago, pero hindi naman nauwi sa seryosong relasyon.


Marami ang nagulat nang i-post ni Diego Loyzaga sa kanyang social media account na sila na ni Barbie Imperial. Marami ang nag-alala para kay Diego dahil baka raw gawin din sa kanya ang ginawang paninira ng aktres sa mga ex-BF niyang sina JM at Paul.


"Negatron” ang tawag ng marami kay Barbie at may pagka-playgirl daw ito.


Mabait si Diego Loyzaga at mahal na mahal niya si Barbie. Sana nga ay magtagal ang kanilang relasyon.


Hindi papayag si Teresa Loyzaga na may manakit kay Diego dahil dati nang dumanas ng depression ang kanyang anak. Pero kung masaya ang kanyang anak sa relasyon nito kay Barbie Imperial ay susuportahan niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page