top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bait-baitan lang daw talaga sa camera… JULIA, GUSTO NANG TANGGALAN NG KARAPATAN SA KANYA SI DENNIS,

  • BULGAR
  • May 3, 2021
  • 4 min read

IDINIIN PA SA PANLOLOKO KAY MARJORIE


Julie Bonifacio - @Winner | May 03, 2021




Emosyonal na ikinuwento ni Dennis Padilla ang past life niya especially ang naging relasyon nila ni Marjorie Barretto sa vlog ng kanilang eldest daughter na si Julia Barretto.


Nilinaw ni Dennis kung ano talaga ang naging estado ng marriage niya kay Marjorie.


Technically, may naganap na kasalan sa kanila, but legally, lumitaw na nai-file sa NSO ang first marriage ni Dennis sa nauna niyang non-showbiz partner bago si Marjorie. Dahil dito, naging null and void ang kasal nila ni Marjorie.


Muli namang naungkat ang isyu sa pagpapalit ng apelyido ni Dennis sa legit name ni Julia, ang Baldivia.


Nagpalitan ng saloobin ang mag-ama sa nangyaring kontrobersiya noon.

May tanong kasi si Julia sa ama kung ano ang lessons na natutunan ni Dennis sa mga misunderstandings nila in the past.


Sabi ni Dennis, una raw ay dapat nakinig muna siya bago ibigay ang kanyang opinyon.


"Actually, ang babalikan ko roon, Julia, ganito ‘yan, ha? Remember that issue na, ‘di ba, tinatanggal ninyo ‘yung family name ko? ‘Di ba, you went to court to take off my family name? That was a dagger. Hindi dahil lang sa pangalan ‘yun, ha? It’s not the pangalan itself. That’s my blood. Kaya masakit ‘yun kasi parang kumbaga, ano pa ba ang gusto ninyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, eh. You are already well-known sa Barretto. Bakit tatanggalin mo pa ang apelyido ko? Ang sakit sa akin ‘yun," madamdaming pagtatapat ni Dennis sa anak.


Katwiran ni Julia, "I think at that time, well, ‘coz you’ve already made kuwento na naman the story about your marriage with mom being null and void, because you didn’t know anymore what you are signing, I think we were in that phase where we are trying to correct your mistake."


Pinagsabihan pa ni Julia si Dennis na kaya wala raw natatanggap na response from her ang ama ay dahil sa history ng misunderstandings nila in the past na magte-text lang ang kanyang ama kapag may nasaktan na.


"So, parang ‘pag nag-text ka na, alam mo ‘yung nasaktan na ako, eh. Parang nagawa na ‘yung aksiyon na, nabigyan na ng action ‘yung mga bagay bago pa nakapag-usap nang maayos. So, I think everybody was coming from… like a painful place."


Ipinaliwanag naman ni Dennis na bago pa man siya nagpainterbyu noon, paulit-ulit daw siyang nag-text at tumawag kina Julia, pero wala raw gustong makipag-usap sa kanya.


"I want to ask, I was asking, 'Is it true that you are removing my family name? Ilang text ‘yun. Marami ‘yun. Nu’ng hindi ako makapasok sa inyo, anak, I even went to, I texted the secretary of Mr. M (Johnny Manahan). ‘You know Mr. M, I want to talk about doon sa totoo ba na tinatanggal nila ang apelyido ko?’ Ang isinagot nila sa office, ‘Ayaw naming makialam d’yan, Dennis, kasi personal na ‘yan.’ So, sa madaling salita, I was frustrated. No one wants to talk about it. Walang gustong kumausap sa akin na, ‘Hindi, Papa. Totoo na ipinapatanggal namin ‘yung apelyido mo,’" lahad ni Dennis.


At ang hindi raw maintindihan ni Dennis ay kung bakit kailangang tanggalin ni Julia ang kanyang apelyido.


"Eh, Baldivia ka naman talaga dahil ako ang tatay mo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ipatanggal. Makakabawas ba ito sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba ito sa popularity mo? No," diin pa ni Dennis.


Inulit ni Julia ang pagkakamaling nagawa ni Dennis sa pagpa-file ng marriage certificate niya with Marjorie.


"When you signed those papers to make your marriage to mom null and void, ultimately, that made us your illegitimate children. So, we were trying to correct your mistake. But I think, one of your frustrations is, you think you didn’t get the communication that you wanted.


"Because, I feel like you’re really in a good place in your life now. Your heart and your mind is already in a good place after your journey.


"You know, Pa, I think, one of the things that you are missing here, there are so many moments before. ‘Coz you’re so much better person now and I can see it. And I’m happy that you reached this point, honestly.


“But before, you always questioned why you feel like nobody’s responding to you. You always feel like ‘I am not hearing from anyone.’ Not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk with us. That’s why you couldn’t hear from us."


Natakot na raw sila kay Dennis kaya hindi nila kinakausap ang kanyang ama.


"We were already too pained. We were already too scared of you. Papa, I think, I wished that you also recognize or acknowledge the fact that, ‘Okay, maybe I may have done something to scare my kids off.’ Before, when we would speak on the phone, you know this, Pa, you wouldn’t have the best tone and the best choice of words.


"But you see, Pa, I hope you’ve also noticed, despite of all those painful words and actions, I still fought hard to keep a certain relationship with you. I didn’t ever give up on our relationship," pahayag ni Julia.


Binasa namin ang ilang comments ng mga netizens sa vlog ni Julia and most of them ay negative reactions.


Sey ng mga netizens, “Jusko Julia, nagpakumbaba na nga ang papa mo, idinidiin mo pa rin ang mali n’ya dati.”


“Hindi niya ba alam na basta i-acknowledge ka ng tatay mo sa birth cert. ay puwede mo nang dalhin ‘yung apelyido niya? ‘Di kailangan na kasal ang parents. Palusot na naman si feeling alta.”


“Si Julia talaga sa ‘kin ang definition ng ‘fake it ‘til you make it’ hahaha! Kunwari goody two shoes, very forgiving and sobrang alta, LOL. Sorry Julia, sweetheart, we won’t fall for your tricks anymore.”


‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page