top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Bahay ng aktres, for sale na… KIM AT PAULO, HATI SA CONDO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 13, 2026



TEKA NGA - KIM AT PAULO, HATI SA CONDO-IG _chinitaprincess

Photo: IG




Nababalita ngayon na ibinebenta na ni Kim Chiu ang kanyang bahay na nasa isang exclusive subdivision sa Kyusi. 


Nabuo ang desisyong ito ng Chinita Princess upang makasiguro na hindi na makikialam ang isa sa kanyang pamilya na nakasama niya noong binili niya ang nasabing property.


May sentimental value kay Kim ang kanyang bahay sa Kyusi dahil ito ang kanyang unang naipundar mula sa kinita niya sa showbiz. Pero ayaw na niyang magkaroon pa ng problema kaya ibebenta na lang niya ang property.


Naghahanap na raw ang aktres-host ng bagong bahay sa Forbes Park area. For the meantime, kumuha muna siya ng condo sa BGC (Bonifacio Global City) kung saan magkasosyo o co-owner niya ang BF na si Paulo Avelino.


At dahil may balitang nag-propose na si Paulo kay Kim last birthday nito, so, magiging conjugal property na nila ni Paulo ang condo sa BGC? 


Handang-handa na rin naman si Kim Chiu na magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.





Urong-sulong… BEA AT VINCENT, INILILIGAW ANG LAHAT SA KASAL NILA



Inililigaw ba ng kampo nina Bea Alonzo at Vincent Co ang mga taong nag-aabang kung matutuloy ba o hindi ang kasal nila sa Spain sa May 16?


Magkaiba raw kasi ang version na inilabas tungkol sa kasalang Bea-Vincent Co. May ipinadala raw na mensahe sa mga invited guests na ang kasal ay na-reset o postponed on a later date.


Pero may ilang guests naman na nakatanggap ng abiso na iba ang version. Ang nakalagay sa mensahe ay “Sorry, we sincerely apologize for the sudden notice. Unfortunately, the wedding has been cancelled.”


So, ano ba talaga ang latest update? Nag-reset lang ba ng date ng kasal o tuluyan na itong hindi matutuloy?


Wala pang official statement na ibinibigay sina Bea at Vincent Co tungkol dito. Maging ang pamilya at mga kaibigan ng aktres ay tikom din ang bibig tungkol sa issue ng kasal.


Ang BFF ni Bea Alonzo na si Dimples Romana ay bumiyahe na paalis ng bansa at hinihinalang sa Spain ang punta. 


Ngunit suspense pa rin ang maaaring mangyari hanggang sa May 16, ang itinakdang araw sana ng magaganap na Wedding of the Year.





Guy, ‘di mailantad in public dahil ayaw…

SANYA, BINIGYAN NA NG SINGSING NG MISTERYOSONG BF



Maligayang-maligaya ngayon ang Kapuso actress na si Sanya Lopez dahil natagpuan na niya ang kanyang the one. Isang non-showbiz guy ang nagmamay-ari ngayon ng kanyang puso.


Pero hindi niya mailabas sa social media ang pagkatao ng kanyang karelasyon ngayon. Gusto raw ng kanyang mystery BF na maging private ang kanilang relasyon at ayaw ibandera sa publiko ang kanilang pagmamahalan.


Kaya, napagkasunduan nina Sanya at BF na gawing private ang kanilang relasyon. 

Ayon sa kuwento ni Sanya Lopez nang mag-guest sa programang Your Honor (YH) hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar, nabigla siya at hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng singsing ng kanyang non-showbiz boyfriend.


Walang seremonya o drama, basta inabot na lang sa kanya ang box na may diamond ring (promise ring) habang naka-park sila sa drive-thru ng isang fast food chain.


Hindi in-expect ni Sanya na darating sila sa ganoong sitwasyon. 


Pero ang ideya niya sa pakikipagrelasyon ay mauuwi sa pagpapakasal. Kung sino ang kanyang boyfriend, iyon na ang pakakasalan niya.


Well, in time, maipapakilala rin naman ni Sanya Lopez ang kanyang misteryosong boyfriend.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page