Bagyong Queenie, Rosal at Samuel, hahataw ngayong Setyembre
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | September 3, 2026

Photo: DOST-PAGASA
Inaasahang may dalawa hanggang tatlo pang bagyo ang papasok sa bansa ngayong Setyembre.
Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Jorybell Masallo, kapag nabuo ang mga ito ay tatawaging Queenie, Rosal, at Samuel.
Nasa 20 tropical cyclones ang karaniwang nabubuo o pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bawat taon.
Sa ngayon, 16 na tropical cyclone na ang naitala ng PAGASA kung saan ang Bagyong Pilandok ang nabuo nitong huling linggo ng Agosto.





Comments