Bagyong Inday at Josie, joint forces
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Benjamin Chavez @News | July 8, 2026

Photo: DOST-PAGASA
Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dalawang bagyo, ang Super Typhoon Inday na inaasahang papasok ng Martes o Miyerkules at ang binabantayan din sa labas ng PAR na tatawaging Bagyong Josie, sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.
Bagama’t wala pa umanong direktang epekto sa bansa sa kasalukuyan, inuulan na ang ibang bahagi ng bansa dulot ng easterlies na umiiral.
Patuloy na mino-monitor ng state weather bureau ang galaw ng dalawang sama ng panahon na posibleng magbago ang direksyon at lakas.





Comments