Bagyong Henry, hahataw
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 30, 2026

Photo: DOST-PAGASA
Posibleng maging isang ganap na bagyo sa Miyerkules ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 495 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Inaasahang tatawid ang sama ng panahon sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa Martes bago lumabas sa West Philippine Sea pagsapit ng Miyerkules.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, mataas ang posibilidad na lumakas ang LPA at maging isang tropical cyclone kapag nasa West Philippine Sea na ito sa Miyerkules.
Kapag tuluyang naging bagyo, tatawagin itong Henry, na siyang magiging ikawalong tropical cyclone na papasosa bansa ngayong 2026.





Comments