5 babae, timbog sa POGO hub

ni BRT @News | October 18, 2026

Photo: PNP-CIDG
Arestado ang limang babae, kabilang ang isang supervisor, matapos salakayin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang hinihinalang ilegal na POGO hub sa Barangay Bel-Air, Makati City.
Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, pinangunahan ni Col. John Guiagui ng CIDG-NCR ang operasyon, katuwang ang PAOCC at iba pang awtoridad.
Nasamsam ang 13 computer system units, 20 monitor, 29 cellphone, limang laptop, SIM card at iba pang kagamitan na umano'y ginagamit sa online betting.





Comments