Red tide alert

by Jeff Tumbado @News | October 18, 2026

Photo: File
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos magpositibo sa red tide toxin ang mga sample ng shellfish mula sa karagatan ng San Benito, Surigao del Norte.
Habang hinihintay ang kumpirmasyon ng pagsusuri, pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang pangongolekta, pagbebenta, pagbili at pagkain ng mga shellfish at alamang mula sa nasabing lugar upang maiwasan ang pagkalason.
Ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit at alimango mula sa apektadong lugar basta sariwa, nalinis nang mabuti at naalis ang mga lamang-loob bago lutuin, ayon sa BFAR.





Comments