Bagyong Gardo, next
- BULGAR

- 13 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 25, 2026

Photo: DOST-PAGASA
Humina na ang Bagyong Francisco na sumentro sa Batanes Island habang unti-unting palabas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo ngayong Huwebes ng hapon o gabi patungo sa Southern Islands of Japan, subalit makararanas pa rin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa Northern Luzon dahil sa epekto ng habagat.
Bagama't humina na ang Bagyong Francisco, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at ilang bahagi ng Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands.
Pagkatapos makalabas ang Bagyong Francisco, papasok naman sa Philippine Area of Responsibility ang tropical storm na tatawaging Gardo ngayong Huwebes ng gabi, ang ikatlong bagyo ngayong Hunyo.
Batay sa latest track ng PAGASA, ang Bagyong Gardo ay hindi gaanong magiging malakas pagpasok sa PAR, lilihis sa direksyong pahilaga, saka lilihis sa pahilagang silangan palayo sa kalupaan at inaasahang lalabas ng PAR sa Biyernes ng tanghali.
Wala namang inaasahang magiging epekto sa bansa ang Bagyong Gardo.





Comments