top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS_IG _jomar aviary TikTok

Bagyong Francisco at Habagat, hahataw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 22, 2026



Bagyong Mekkhala - DOST-PAGASA.jpg

Photo: DOST-PAGASA



Patuloy na lumalakas ang Severe Tropical Storm Francisco (international name: Mekkhala) at inaasahang magiging ganap na bagyo, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


Sa latest weather bulletin ng PAGASA, taglay ni “Francisco” ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 135 kilometro kada oras.


Huling namataan ang bagyo sa layong 1,170 kilometro silangan ng timog-silangang bahagi ng Luzon at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang paglakas ng bagyo at posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na mga araw.


Samantala, nananatiling aktibo ang Habagat o southwest monsoon na patuloy na nagdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng bansa, partikular sa kanlurang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at ilang bahagi ng Visayas.


Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng matagal at malakas na pag-ulan dulot ng pinaigting na Habagat.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather bulletin at mga abiso ng mga lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page