top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bagong KathNiel? RUFFA, TINAWAG NA NEXT SUPERSTARS SINA DONNY AT BELLE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 06, 2023



"The next coming superstars of this generation."


'Yan ang itinawag ng nagbabalik-Kapamilya na si Ruffa Gutierrez kina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa ginanap na mediacon last Wednesday ng unang teleseryeng pagbibidahan ng tambalang DonBelle, ang Can't Buy Me Love.


Yes, balik-ABS-CBN si Ruffa na pansamantalang kumabilang-bakod sa AllTV, pero dahil wala naman siyang issues o sinunog na tulay sa Kapamilya Network, ayan at nakabalik nga siya.


Kasama siya sa Can't Buy Me Love na mapapanood sa Netflix na partner ng ABS-CBN sa naturang proyekto.


Ang huling seryeng ginawa ni Ruffa sa Kapamilya bago siya lumipat ay The House Arrest of Us with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla naman.


Kaya siguro nasabi ni Ruffa na "coming superstars of this generation" ang DonBelle ay dahil nakita rin niya sa dalawa ang success ng tambalang KathNiel.


Nu'ng hiningi naman ng host that night na si Robi Domingo ang reaction ng DonBelle, si Donny ang sumagot na "Nahihiya" sila sa itinawag sa kanila ni Ruffa.


Pero in fairness to DonBelle, may 'K' naman talaga silang tawaging next superstars of this generation dahil ang dami nang kinikilig sa kanilang tambalan na for sure, lalo pang madaragdagan kapag napanood sila rito sa Can't Buy Me Love.


Sayang nga lang at hindi namin nainterbyu o natanong sa Q&A sina Donny at Belle kung ano na ba ang real status ng kanilang team-up — pang-reel pa rin ba o pang-real na?!



Pero sa himig naman ng mga sinabi nila sa mediacon na nagsusuportahan sila para mas mapalakas ang kanilang love team, mukhang wala pa ngang nag-level-up sa relasyon ng DonBelle dahil wala rin naman kaming nakitang pag-akbay o paghawak man lang ng kamay ni Donny kay Belle.


At maging si Direk Mae Cruz-Alviar na direktor nila sa Can't Buy Me Love ay nagsabi rin naman na hindi niya pinipilit na ma-develop sa isa't isa o magkaroon ng relasyon ang dalawa para lang magkaroon ng chemistry.


Pareho raw magaling umarte ang dalawang bagets kaya kusang lumalabas ang kanilang chemistry kahit pa wala pa silang relasyon in real life.


Hindi rin naniniwala si Direk Mae na kailangang may relasyon ang magka-love team para lang magpakilig ng mga fans.


At the end of the day, 'yung project at 'yung chemistry pa rin daw ng mga bida ang nagdadala sa istorya.


Unang mapapanood ang Can't Buy Me Love sa Netflix (Oct. 13) at iWantTFC (Oct. 14) ilang araw bago ito ipapalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 sa Oktubre 16.


Mas palilitawin ni Direk Mae Cruz-Alviar, ang direktor ng hit series na 2 Good 2 Be True, ang chemistry at kilig ng DonBelle sa kanilang unang pagsasamahang teleserye.


Makakasama rin sa serye ang mga batikang aktres at aktor na sina Nova Villa, Celeste Legaspi, Agot Isidro, Rowell Santiago at Ruffa Gutierrez.


Nasa cast din sina Maris Racal, Albie Casiño, Kaila Estrada, Joao Constancia, Karina Bautista, Vivoree, at Darren (without Espanto).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page