Search
  • BULGAR

Bagong kasal, todo-patol sa mga bashers… JESSY, TINAWAG NA GOLD DIGGER, LUIS, BADING KAYA NAKA-PINK

Julie Bonifacio - @Winner | May 1, 2021




Instead na sweet and kind words ang iparating for Luis Manzano ng kanyang misis na si Jessy Mendiola for his 40th birthday, binasa ng mag-asawa ang mga mean comments ng netizens sa kanilang social media accounts.


Game at cool na cool naman sina Luis and Jessy habang sinasagot ang mga comments ng kanilang bashers.


Most of the mean comments ay about their civil wedding, ang pag-iyak ni Luis na mukhang natat*e, maghihiwalay din daw sila, pera lang ang habol ni Jessy kay Luis, gay si Luis at ang 'di mamatay-matay na isyung inagaw ni Jessy si Luis kay Angel Locsin.


On their wedding na showbiz lang daw at ‘di na-feel ang love nila, ayon sa netizen, “Well, kung titingnan mo naman ang mga comments sa social media nu’ng wedding, thank you very much, mas marami ang likes kesa sa hindi, marami ang kinikilig, so ikaw, 'yun ang tingin mo, ‘di kaya ikaw ang may problema?” sagot ni Luis.


Katwiran ni Jessy, “Sino naman ang magpapakasal just for a show?”


Ipinagtanggol naman ni Jessy ang sarili sa tumawag sa kanya na gold digger. Bata pa lang daw siya ay nagtatrabaho na. At kahit paano, nakapag-ipon na rin naman daw siya.


Pati ang kulay ng suit ni Luis na pink ay kinuwestiyon at sinabing simbolo raw ito na gay ang mister ni Jessy.


Nilinaw ni Jessy na ang kulay ng suit ni Luis ay old rose na isa sa mga colors sa wedding nila. Si Jessy din daw ang pumili ng color motif ng wedding nila na old rose at burgundy para maiba.

Saka, may isa pa naman daw silang wedding na iba rin ang color motif nila.


Say naman ni Luis, “Napaka-comfortable ko kaya sa kulay na pink. Mas magulat ka kung wala akong suot sa wedding.”


On gay issue kay Luis, “Lumang isyu. Inaalmusal ko ‘yan. Dati ko pa naririnig ‘yan."


Pagkatapos sabihin 'yan ni Luis ay niyakap siya ni Jessy sabay halik sa pisngi ng mister.

Bukod sa gold digger, may binasa rin si Jessy na comment kung saan tinawag naman siya na anaconda.



Natawa na lang si Jessy at sinabing mag-move na ang netizen na nag-post ng comment na ito. Mas knows daw kasi ni Jessy ang totoo kaysa sa ibinabatong akusasyon sa kanya.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.