top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bagong GF daw ni Diego… DEBBIE, SINUGOD SA BAR, DINURU-DURO AT SINABIHAN NG MASASAKIT NI BARBIE

BULGAR
Mar 7, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 7, 2022




Matapos lumabas dito sa aming kolum kahapon ang isyung nagkabalikan na diumano sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga dahil may kumalat na picture na magkasama silang nag-night-out sa Pasig City last March 3 — ayon sa isang Marites na nagpadala ng naturang picture — may another Marites naman ang nag-chika sa amin ng panunugod daw ni Barbie kay Debbie Garcia.


Si Debbie Garcia ang sexy Viva artist na bagong nali-link kay Diego dahil spotted sila few weeks ago sa isang bar habang sweet na magkausap.


Ang latest ganap, chika ng aming Marites source, sinugod daw ni Barbie last February 26 sa isang ‘di pinangalanang bar si Debbie at diumano’y dinuru-duro ito at pinagsalitaan-pinagsisigawan ng foul words.


Gumawa raw ng eksena si Barbie, na if true nga, we wonder naman kung bakit wala yatang Marites sa naturang bar that time at bakit hindi nakunan ng video ang panunugod daw kay Debbie ng ex-girlfriend ni Diego.


Hindi lang ma-confirm ng aming source kung nandu’n din si Diego sa bar that time. Pero kung nandu’n nga si Diego, for sure ay hindi naman nito hahayaang gumawa ng eksena ru’n si Barbie, ‘no?!


Ang iniisip tuloy namin ngayon, nagkabalikan na nga kaya talaga sina Barbie at Diego? Dahil bakit naman magagawa ni Barbie na manugod ng ibang babaeng nali-link kay Diego kung wala na siyang karapatan sa ex-BF, devah?


Hay, naku! Parang naiipon na ang mga isyung dapat sagutin at bigyang-linaw ni Barbie, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page