top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bagong BF, inilantad… GLADYS, ENGAGED NA!

BULGAR
May 11, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 11, 2021




Maraming netizens ang nagtatanong kung ang fiancé raw ba ni Gladys Guevarra ay ang boyfriend niya na itinakbo ang kanyang pera?


Sa socmed kasi ng komedyanang singer ay may post siyang engaged na.

“Fairytales do happen… and then, he asks me if I will marry him… yes ‘I will marry you, Mahal! I love you, Mike.’”


Ang name ng guy ay Mike Navarrete.


Tanong ng netizen, “Correct me if I’m wrong, classmate, ah. Last year lang 'yung natangay or nakuha ng ex-BF niya ‘yung laman ng account ng business niya? Or same ito na guy na engaged siya ngayon?”


“Sa Amerika itong guy, 'yung isa na kumuha raw ng pera niya ay local lang. Kumapit na rito si Gladys para for good na sa Amerika.”


Ayaw namang maniwala ng ibang netizens. Sana raw, hindi ito 'yung lalaking tumangay ng pera niya noon.


“This is not the same guy. She just met him not less than six months ago while on vacation sa US. Yes, finally,” sey ng isa pa.


“Nu'ng nakaraan lang, naglulupasay 'to sa panindang kakanin, ah? Ngayon, nasa US na pala siya. Wew!”


Mukhang hindi naman masaya ang isang commenter sa kapalaran ni Gladys.

“'Tong girl na 'to, walang self-love, parang 'di mabubuhay nang walang lalaki at humuhugot lang ng kaligayahan sa ibang tao.”


Anyway, sana nga ay natagpuan na ni Gladys ang right man for her.


Good luck, girl!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page