top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Bago raw magpakasal… BEA, DIAMOND RING NA MAY 3 BATO ANG MOTHER'S DAY GIFT SA MADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 13, 2026



WINNER - BEA, DIAMOND RING NA MAY 3 BATO ANG MOTHER'S DAY GIFT SA MADIR-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Bonggabels ang regalo ni Bea Alonzo sa kanyang mother dear last Mother’s Day. Grabe sa laki ng bato ang singsing, ha?


And not just one ang mga bato sa singsing na regalo ni Bea kay Mommy Mary Anne, huh, kundi tatlong malalaking bato (diamonds).


Pinakamalaki ‘yung nasa gitna at may dalawang magkasukat na laki ng bato sa magkabilang gilid ng singsing.


Parang ito na rin siguro ang pang-‘last hurrah’ gift niya bilang single kay Mommy Mary Anne.


Siyempre, lalagay na sa tahimik at magiging priority na ni Bea ang bagong family niya with Vincent Co.


Baka ang diamond ring na ang last bonggang-bonggang gift ni Bea kay Mommy Mary Anne. Kung hindi man last, baka matagalan na ulit makapagregalo ng ganoon kalaking worth si Bea sa kanyang ina.


Ishinare ni Bea ang video kung saan ipinakita ang pag-abot niya ng regalo na diamond ring kay Mommy Mary Anne.


Caption ni Bea, “This Mother's Day, I wanted to give my mom something as timeless and enduring as her love (stars emoji).


“Celebrating the woman who made life feel a little brighter, a little softer, and so much more beautiful. Happy Mother's Day to my forever home (white heart emoji).”


Sa post din na ito ni Bea sa Instagram (IG) ay may nag-emote na faney ng aktres tungkol sa wedding nila ni Vincent.


Sey ng isang fan, “Kumakapit pa rin ako sa hope na ‘fake news’ lang lahat. That media platforms are just desperate to make a story because they cannot have access anymore to your private life. Wishing you the best, our Basha (karakter ni Bea sa pelikulang One More Chance).”


Tiniyak naman ng ibang mga netizens sa faney ni Bea na fake news lang ang kumakalat na tsika.

Sey ng mga fans:


“For sure, fake news, looks like si Dimples (Romana), nasa Spain na. Tingnan n’yo sa story ni Dimples.”


“Fake news, kasal na sila sa ‘Pinas, formality na lang ang sa Spain.”

‘Yun, oh!





Anak ni Du30 at apo ni Chavit…

KITTY AT VIC, TODO-TUKAAN SA YATE



KABOG nina Kitty Duterte at Vic Singson ang ibang showbiz couples sa kanilang PDA (personal display of affection) sa social media.


Sina Kitty at Vic ay parehong anak at apo ng mga prominenteng politicians. Si Kitty ay bunsong anak ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) at si Vic naman ay apo ni Chavit Singson.


“Todo na ‘to!” sabi nga ni Rufa Mae Quinto kung ide-describe ang PDA nina Kitty at Vic.


Ipinost ni Vic sa kanyang Instagram (IG) ang picture nila ni Kitty na nagtutukaan habang nakasakay sa yate.





Nakasuot ng two-piece bikini swimwear si Kitty at naka-board shorts lang si Vic.

Karga-karga si Kitty ni Vic habang naghahalikan ang dalawang nepo babies.

Caption ni Vic, “Haven’t been posting much.”


Sa comment section ay nag-post si Kitty ng, “Love you!!! (red heart emoji).” 

Winner na sina Kitty at Vic sa titulo bilang pinaka-sweet na magdyowa!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page