top of page
Search
  • BULGAR

Bad influence raw siya kay Raymart… JODI, AYAW PATULAN SI CLAUDINE

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 3, 2021





Nag-post sa social media ang celebrity couple na sina Raymart Santiago at Jodi Santamaria ng kani-kanilang larawan na very meaningful ang caption na kanilang inilagay.


Espekulasyon ng mga netizens, reaksiyon 'yun ng dalawa sa sinabi ni Claudine Barretto sa nakaraang interview nito na bad influence raw si Jodi kay Raymart dahil hindi na nabibigyan ng atensiyon at sustento ng aktor ang mga anak.


Ang larawang ibinahagi ng current couple ay parehong ni-like ng sister ni Claudine na si Marjorie Barretto.


Isang close-up smile photo ang ipinost ni Raymart at nilagyan ng caption na: “A smiling face is a beautiful face. A smiling heart is a happy heart.”


Samantala, ang larawan namang ipinost ni Jodi ay nasa up the hill siya kung saan dalawang four-wheel motorcycle ang nakahimpil.


Ang caption ni Jodi: “We only have so much time and energy. Are you focusing on the majors of life? Focusing on the things that matter is good way to fight against the unnecessary noise and distraction.


“Tomorrow is never guaranteed. Make life worth living. Choose your battles. Laugh always. Love hard. Show compassion and appreciation. Be grateful. Travel to feed your soul. Pray often… What are your majors?”


Ayon sa mga netizens, minsan lang kung magbitaw ng salita ang aktres, pero tagos sa laman at buto ang sinasabi.

“Hala, iba talaga kung magbitaw ng salita si Jodi, huh?”


“At may pag-like si Tita Marjorie, ah, haha! Tama 'yan. Choose your battles. 'Wag n'yong sagutin, lalong manggigigil 'yun 'pag 'di pinapansin.”


“Matagal nang nagla-like si Marjorie sa mga posts ni Jodi. In fact, Jodi follows her sa IG.”

Heto naman ang sagutan ng mga fans nina Claudine at Jodi.


“'Ika nga sa kanta ni Frank Sinatra, love and marriage is an institution you can't disparage. Eh, kasal pa rin si Pangga kay Raymart, so Jodi, nganga.”


“Tagal na nilang separated. Si Claudine, ngawa pa rin nang ngawa hanggang ngayon kaya siya ang nganga.”


“Si Jodi, nganga? Eh, nasa kanya si Raymart. I would like to think that’s making Claudine bitter and unhappy. Love isn’t the document. May dokumento nga, wala na naman ang taong nakapirma, sino ang nganga?”


“Oh, Claudine, pinanood ko 'yung interview mo, sabi mo, 1st and last mo na magko-comment tungkol sa kanilang dalawa. Baka bukas-makalawa, nasa tabloid ka na naman.”


May nagsasabi namang, “Mahilig naman talaga si Jodi mag-post ng inspirational at motivational captions and quotes even sa Twitter niya. I don't see it as a reply or shade to anyone.”


“Aray ko! 'Yung nagsabi ka sa interview ng pagkabuwisit mo, tapos ang isinagot lang sa 'yo, quotes. Hahahaha! Gigil n'yo si Claudine, eh.”


May nagsasabi namang dapat daw ay ayusin muna ng magkabilang panig ang kanilang annulment dahil pareho raw palang ‘di pa annulled ang kanilang kasal sa mga dating asawa.


Sagot naman ng isa, “Ateng, denied 'yung annulment ni Jodi kay Pampi. 'Di na kasalanan ni Jodi 'yun kung na-deny 'yung annulment nila. Inggit lang si Claudine kasi 'di happy ang love life niya, hahaha!”


“Technically, they have moved on. Issue lang 'yang hindi sila annulled 'coz they’re celebrities. They’ve been separated for years. La Ocean Deep na kasi idol n'yo kaya need gumawa ng ingay para pag-usapan. Dati, laging post si Rico Yan para mapansin, ngayon, heto naman.”


"Marj saying nothing but instead liking her sister's enemies posts. Love it! Subtle revenge is real! Hahaha!”


“Maganda and positive 'yung message kaya ni-like ni Marjorie, hindi siya sawsawera since hindi naman siya sumabat sa issue nu'ng dalawa. Pampam si Claudine.”


“Si Clau naman kasi, eh, siya mismo nag-i-invite ng negativity sa life."


“Masyado lang bitter 'tong Claudine, eh. Tipong gusto niya, siya muna dapat ang maging masaya bago si Raymart.”


May nagsasabi namang magkatulad lang daw ang dalawang aktres.


“Pareho lang naman silang maldita. Ang pagkakaiba lang, si Clau-Clau, maldita na palaban, while si Jodi ang maldita na nasa loob ang kulo.”


“SELOS LANG 'YAN KASI MAS MALIGAYA SI EX-HUBBY KESA SA KANYA. MASARAP ANG MAY LABLAYP!”


May nagsasabi pang, “Ang toxic ng ganyang asawa. 'Di maka-get over sa mga teleseryeng ginawa niya, feeling laging bida na inaapi.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page