Babu na sa Manila… KRIS AT BIMBY, SA PAMPANGA NA NAKATIRA
ni Nitz Miralles - @Bida | May 10, 2021

Parang nakalipat na sina Kris Aquino at Bimby at wala na sila sa Manila dahil ang nakasulat na location sa latest Instagram post ni Tetay ay “Pampanga, Philippines.”
Nabalita kasi na sa Hacienda Luisita lumipat sina Kris at nakumpirma na nga dahil sa place of location.
Samantala, masaya ang Mother’s Day celebration ni Kris kahapon dahil dinalaw siya ni Josh na sa Tarlac na rin nakatira at halos hindi na umaalis doon.
Kumpleto silang mag-anak nu’ng Mother’s Day kaya masayang-masaya si Kris at kitang nag-effort siya at ang mga kasama nila dahil may mga balloons pa.
Sabi ni Kris, “They SURPRISED me last night! Bumisita ‘yung Tarlac resident! I told all of you I’ll only post them ‘pag ‘yung occasions when regular, normal people would post their kids... it’s Mother’s Day! And I thank God, He chose me to be their mama!”
Sa mga litrato nina Kris, Bimb at Josh, kita kung gaano katatangkad ang dalawa niyang anak. Nagmukha na naman siyang midget sa tabi ng mga ito.





Comments