Babaeng vendor, timbog sa P1M shabu
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | August 30, 2026

Photo: PNP National Capital Region Police Office
Kulong ang 52-anyos na babaeng vendor at isang lalaki matapos mahulihan ng P1.02 milyong halaga ng umano'y shabu sa buy-bust operation ng Southern Police District at Taguig City Police, Biyernes ng gabi.
Sinasabing ang dalawang bagong tukoy na high-value individuals ay magkasabwat sa pagpapakalat ng droga.
Hinuli ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit at Taguig City Police Station ang mga suspek alas-10 ng gabi ng Agosto 28, sa kahabaan ng MLQ C6 Extension Road sa Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.
Nakuha ang 150 gramo ng umano'y shabu.





Comments