top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babaeng dapat daw seryosohin… RITA, MAS PALABAN SA TIKIMAN KESA KAY KEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2020
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 10, 2020




Inamin ni Rita Daniela sa Mars Pa More na palaban siya pagdating sa kissing scene.


Sa movie na ginagawa nila ng onscreen partner na si Ken Chan, ang Huling Ulan sa Tag-araw, inamin ni Rita na mas palaban siya sa halikan kesa kay Ken.


Sinabi naman ng aktor na wife material ang actress.


Natanong din sila kung sino sa kanila ang mas maalaga kahit off-cam.


"Mas maalaga si Ken Chan. Sa sobrang pag-aalaga nga po, kitang-kita n'yo naman, ang laki-laki ko na, 'di ba?" sabi ni Rita.


"Mine-make sure ko talaga na mas naaalagaan ko siya kaysa sa naaalagaan niya ako," sey naman ni Ken.


Dagdag pa ng aktor, "Pero itong si Rita, sobrang maalaga rin 'yan. Kahit sa taping, sa shooting, very thoughtful siya. Alam niya kung gutom na ako, alam niya kung malungkot ako, alam niya kung ano 'yung gusto kong gawin, gusto kong kainin, alam niya."


Pero pagdating nga raw sa kissing scenes, mas agresibo si Rita.


Nag-start daw ang kanilang pagiging intimate sa serye nilang My Special Tatay.


Sinabi rin ni Ken na si Rita ang klase ng babae na hindi mahirap mahalin.


"Ako kasi, nakikita ko kasi mom ko sa kanya. Mataas na point 'yung sa akin na, 'Ah, ito 'yung isang babae na talagang dapat seryosohin.'"


Ang Huling Ulan sa Tag-araw ay first movie project ng RitKen na sa Pagsanjan, Laguna pa kinunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page