top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

AYUDANG BIGAS, GROCERIES, ETC. NI GRETCHEN, TINANGGIHAN NG DATING KA-CLOSE NA AKTRES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 3, 2021






Muling namigay ng For the Love ayuda si Gretchen Barreto — groceries, bigas, etc. — sa ikalawang pagkakataon.


Marami tuloy ang nagtatanong kung may motibo raw ba ang dating sexy actress na longtime partner ng business tycoon na si Tony Boy Cojuangco.


May nagdududa kasi sa kagandahang-loob ni La Greta. Nu'ng una siyang namahagi ng For The Love ayuda, may nagsasabing tatakbo siya sa 2022 elections.


Mali ang espekulasyon dahil natapos na ang pagpa-file ng kandidatura ay no show si La Greta sa COMELEC.


Ngayon, sa ikalawang pagkakataon ay nakatanggap muli ang halos lahat sa industriya ng showbiz ng "FTL" mula sa kanya.


This time ay sinagot na ni Gretchen ang mga nagtatanong ng BAKIT daw napaka-generous niya.


Ang sagot ni La Greta, “Yes, ang motibo is to be kind. Hindi lahat ng nagbibigay, may motibo. It is our duty to spread love and kindness at this time of pandemic.”


Maigsi lang ang sagot ng aktres, pero tagos at taos sa puso ang kanysng sinabi.


By the way, how true na isang malapit dati kay La Greta ang pinadalhan niya ng FTL ayuda, pero hindi raw tinanggap?


Ang tsika sa amin, "Ibigay na lang daw sa iba, but in fernes, nagpasalamat naman daw ito."


Na-eavesdrop din namin na dating close na close sila sa isa't isa, pero naghiwalay daw ng landas.


Hindi na namin inalam kung ano ang naging isyu.


Pero, sa ginawang aksiyon ng aktres, ibig lang sabihin nito, gumawa na ng way si Gretchen para sila ay maging okey sa isa't isa, tinanggihan pa.


Anyway, maraming salamat, La Greta, pati na rin kay Ana Abiera na tumutulong sa pagdi-dispose ng For The Love ayuda ng dating aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page