top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayaw sumabay sa mga sosyal sa showbiz… IYA, 'DI FEEL ANG HERMES, NEVER DAW BIBILI

  • BULGAR
  • May 15, 2021
  • 1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 15, 2021




Sa programang Mars Pa More kung saan hosts sila ni Camille Prats, sinabi ng Kapuso actress-host na si Iya Villania na hindi niya type ang Hermes bag at never siyang bibili nito.


She is a practical person at hindi naman daw niya magagamit nang madalas ang mamahaling bag na madalas irampa ng mga rich and famous sa social media.


Parang naging simbolo na ang Hermes ng mayayaman at mga sosyal. Pero si Iya, hindi brand conscious pagdating sa bag lalo na ngayong may asawa't anak na siya.


Masaya na si Iya kung ano'ng meron siya. Napaka-hardworking mom niya. Work from home ang segment niya sa 24-Oras at nakakaya pa rin niyang alagaan ang tatlo nilang anak ni Drew Arellano.


Samantala, marami ang humanga kay Iya nang i-post niya sa social media ang kanyang kamay kung saan ipinakita niya na hindi na magkasya sa kanyang daliri ang kanyang wedding ring. Medyo lumaki ang kanyang daliri matapos niyang manganak nang sunud-sunod.


At hindi naman nagbuhay-senyorita si Iya nang siya ay magpakasal at magkaroon ng mga anak. Hands-on mom siya kaya marami nang nabago sa kanya physically.


Pero, hindi 'yun ikinahihiyang aminin ni Iya Villania. Besides, masaya ang kanyang married life at may career pa siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page