top of page

Ayaw payagan… JESSY, BINANTAANG HIHIWALAYAN SI LUIS DAHIL SA MUAY THAI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2021
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 5, 2021




Muling sumalang sa Facebook live ang Star for All Seasons at Lipa City congresswoman na si Vilma Santos-Recto sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong November 3.


Overwhelmed si Rep. Vilma sa dami ng mga bumati sa kanya sa socmed, especially mga kaibigan niya sa showbiz. Kaya naman nagpasalamat siya sa kanila during her FB live.


“Maraming salamat po sa mga nakaalala ng birthday ko. Today is my birthday. Sa lahat ng mga kapwa ko artista, mga colleagues, mga kaibigan ko. Hindi ko na kayo iisa-isahin, baka may makalimutan ako. Mga directors ko, producers, mga kasama ko sa Congress at kasama ko po ang mga constituents ko sa Lipa, Batangas. Pero may mga bumabati rin po from different regions. To all of you, to all my friends, pati po sa mga ipinadala ninyong mga pagkain. Hindi ko po alam kung paano po ako magpapasalamat. Sobra po akong… from the bottom of my heart, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” pahayag ni Congw. Vi.


Sa FB live ay binanggit ni Congw. Vilma ang ilan sa mga artistang bumati sa kanya on socmed sa pangunguna ni Megastar Sharon Cuneta, long-time friend na si Roderick Paulate, Amy Austria, Sharmaine Arnaiz at maging si Kris Aquino (na ang tawag pala niya rito ay “Kristeta”) na ka-text daw niya nang madalas.


So for sure, updated si Congw. Vi sa bagong pag-ibig ni Kris. At baka nga nasabihan na ni Kris si Congw. Vi para mag-ninang sa wedding nila ng fiancé niya na si Mel Sarmiento.


Gusto nga raw maka-collab ni Congw. Vi sa kanyang YouTube channel kahit via Zoom muna sina Sharon, Nora Aunor, Maricel Soriano, Kris, Roderick at si Alex Gonzaga.


That night ay nakauwi na si Congw. Vi sa bahay nila sa Ayala, Alabang. Nakagala na raw siya sa The Farm na nasa Batangas din kasama ang mag-asawang Luis Manzano and Jessy Mendiola.

Hanggang pag-uwi sa bahay ni Congw. Vi ay kasama pa rin niya sina Luis at Jessy. May inaayos pa raw kasi ang mag-asawa sa bago nilang inuupahang bahay na malapit lang din sa bahay ni Congw. Vi.


Anyway, kasama ni Congw. Vi sa kanyang FB live ang eldest son na si Luis at pasulput-sulpot na misis nitong si Jessy.


Nagisa naman si Luis ng dalawang babaeng malapit sa kanyang puso nang mapag-usapan ang plano niya noon na pasukin ang Muay Thai sports.


Tinutulan daw ni Congw. Vi ang pagpapaalam ni Luis na lumaban siya sa Muay Thai and MMA (Mixed Martial Arts) competition. Hindi raw pinayagan ni Congw. Vi ang anak dahil masyadong masakit at pisikalan ang sports na ‘yun.


“Sabi ko, kapag sumali siya d’yan, huwag na niya akong kilalaning nanay,” pagbabalik-tanaw ni Congw. Vi.


Pagkatapos ay tinawag pa nito si Jessy, “Uh, Jes, remember sinabi mo rin, kapag sumali siya sa Muay Thai na competition, ano’ng sabi mo?”


Sumagot si Jessy, “Hihiwalayan ko siya.”


And speaking of hiwalayan, ibinuking ni Luis ang kanyang ina at mister nitong si Senador Ralph Recto na katatapos lang daw ng away.


Habang nagla-live kasi sina Luis at Congw. Vi ay dumating si Sen. Ralph. Tinawag ng aktres ang kanyang “Papa,” (term of endearment ni Ate Vi sa kanyang mister) na mag-join sa kanila sa FB live at kahit bumati lang daw.


Pinagbigyan ni Sen. Ralph ang kanyang misis at magiliw na bumati sa mga nanonood.


Kasunod nito ang pag-kiss ni Sen. Ralph sa lips ni Congw. Vi.


“Yihee! Bati na ‘yung dalawa. Hahaha!” pambubuking ni Luis.


Natawa na lang pareho sina Congw. Vi at Sen. Ralph sa panunukso ni Luis sa kanila.


Payo pa ni Luis sa ina ay i-reserve sa vlog nito ang dahilan ng away nila ni Sen. Ralph.


Nagpaalam naman si Congw. Vi kay Sen. Ralph na ilalagay niya sa kanyang vlog ang away nila.


“Papa, sa vlog ko, ipapaliwanag ko na nagkagalit tayo, ha?” pagpapaalam ni Congw. Vi sa mister.


Naku, aabangan ng mga ‘Marites’ ‘yan sa socmed. For sure!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page