top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayaw pang umamin, inilaglag ni Ruru… MIKEE AT PAUL, MAGDYOWA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 07, 2021




Present sa birthday party ni Ruru Madrid ang isa sa mga newest showbiz couples ngayon na sina Mikee Quintos at Paul Salas.


Hindi pa umaamin ang dalawa, kumbaga, wala pa silang status reveal, kaya si Ruru, puro panlalaglag muna ang ginawa.


Gaya nang sinabing ini-request ni Mikee na kumanta si Paul at kinilig ang aktres nang kumanta ang rumored boyfriend.


Marami na ang naghihintay ng status reveal nina Mikee at Paul para matanong na sila kung paano sila nagsimulang magkainlaban. Ang cute ng love story nila dahil sa The Lost Recipe, hindi ang mga karakter ng dalawa ang end game kundi ang mga karakter nina Mikee at Kelvin Miranda, but in real life, ang mag-best friend na sina Apple (Mikee) at Frank (Paul) o ang mag-Match (tawagan nila sa series) ang nagkagustuhan.


Magandang ma-interview ang dalawa at ipakuwento sa kanila kung ano'ng nangyari? Ano ang ginawa ni Paul noong kainitan ng love team nina Mikee at Kelvin? Kailan siya nagsimulang manligaw kay Mikee at iba pang tanong.


Naniniwala kaming kasama si Paul ni Mikee and her family sa birthday celebration ng aktres sa isang beach sa Batangas sa December 18.


Bakit kaya hindi pagtambalin ng GMA-7 sina Mikee at Paul? May chemistry na sila sa TLR at sayang kung mapuputol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page