Ayaw paawat sa pagpe-flex sa GF… KOBE, TODO-POST NG GINAGAWA NILA NI KYLINE
- BULGAR
- Jul 6, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 6, 2024

Mukhang wala nang makakapigil pa sa pagiging public nina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Ito ay kahit pinayuhan daw si Kyline to be careful na hindi sila nakukunan ng photos ni Kobe na magkasama.
Paano kung si Kobe mismo ang nagpo-post ng photos nila? Gaya na lang nitong latest photo post ni Kobe sa Instagram kung saan sabay silang nagwo-workout ni Kyline.
Sa picture, nakaupo si Kobe at nakaupo naman si Kyline sa harap ng ginagamit nila sa pagwo-workout.
Wala pa kaming nababasang nega comments, pero siguradong meron at babanatan na naman si Kyline.
Ang nabasa lang namin ay ang wish na hindi na dagdagan pa ni Kobe ang kanyang tattoos na buong katawan na yata niya ang meron. Sana raw, sabihan siya ni Kyline Alcantara na tigilan na ang pagpapa-tattoo.
Comments