Ayaw paawat… CHERRY PIE, TODO-POST NG HOLDING HANDS NILA ABROAD NI EDU
- BULGAR
- Dec 5, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 05, 2021

Patuloy na pinakikilig nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ang kanilang mga kaibigan, fans at pati mga Marites sa sweet photos na ipino-post ni Cherry Pie sa kanyang Instagram.
Ang latest na kinakiligan ng madlang people ay ang larawan nilang dalawa na magka-holding hands habang nasa isang tourist spot.
Walang nagne-nega at lahat ay masaya para kina Edu at Cherry Pie at ang wish ng lahat, maging sila na forever. Pareho na silang single, kaya walang kokontra gustuhin man nilang magpakasal na.
Matapos ipakilala si Edu sa kanyang kapatid, relatives and friends na nasa States, turn naman ni Edu na ipakilala si Cherry Pie sa mga anak niyang sina Addie at Enzo
at ibang relatives and friends ni Edu.
Sa post ni Cherry Pie, sabi nito, “Last of the leg and definitely not the least.”
At si Edu, nag-post ng bowl ng ubos nang arroz caldo at ang napkin, may nakasulat na "Philippine Airlines".
Kundi nasa office sila ng PAL ay nasa eroplano at ibig sabihin, pabalik na sila ng bansa.





Comments