Ayaw pa ring umaming magdyowa… SIGAW NG FANS: COCO, SANA MAI-FLEX MO SI JULIA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 26, 2021

Sa Instagram ni Julia Montes ay may post siyang solo picture niya at ni Coco Martin na ang view ay parehong nasa beach at nilagyan ito ng iisang caption.
"Today is a great day to smile and be happy."
Hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon sa rumored celebrity couple.
Though, masaya naman ang CocoJuls dahil wala mang pag-amin na sila nga ay ramdam naman daw ng mga fans na "action speaks louder than words."
Gusto lang daw siguro ng mag-partner sa Ang Probinsyano na maging pribado ang kanilang relasyon kung meron man.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
"Unti-unti nang inilalabas ang meron man sila though open secret naman."
"Low-key papansin."
Parang sarkastiko naman ang papuri ng isang netizen kay Coco, "Pinoy na Pinoy si Coco pero ang tangos ng ilong, same sila ni Jericho Rosales, ang guwapo na mga Pinoy."
May nagsasabi namang "Wala nang excitement sa true lang ang CocoJuls."
Pagtatanggol ng isang fan, "Bakit ka naman need ma-excite? Kung open secret tapos choice nila not to reveal, labas na mga utaw sa choices nila at privacy."
Hindi rin naman ma-take ng isang fan na panay lang daw ang kuda ng aktres.
"I love Julia Montes as an actor, pero jusko, 'di na nakakatuwa 'yung pa-mysterious eme-eme.
Kung gustong itago, itago. That's fine and that's their right, pero kasi, parang pinaglalaruan ang mga fans at parang gustung-gusto ng intriga."
Request naman ng isang netizen, "Sana i-flex din ni Coco si Julia."
Iba naman ang komento ng netizen na 'to. Shinare niya ang experience niya sa aktor.
"Share ko lang, many years ago, me & my girlfriends saw Coco sa parking lot sa isang hangout place sa Cebu. We approached him & asked for a photo but this 1 guy (I think handler niya yata), tinawag siya para umalis na, but sinabi niya talaga 'Wait lang, magpapa-picture pa sila, oh.' He was so gracious kahit natagalan pa nang konti kasi walang photographer, lahat, gustong sumali sa picture. 'Di pa uso selfie dati. Lol."





Comments