top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ayaw pa magretiro, Pacman may laban sa Disyembre

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | September 11, 2021



Tumatanggi pa ring magretiro dahil inaasahang muling lalaban sa Disyembre si eight division boxing champion Manny Pacquiao.


Ayon sa insider, hindi pa tapos si Pacquiao sa boksing kahit pa natalo ito kontra kay Yordenis Ugas sa Las Vegas nitong Agosto. Ibinida nito na posibleng lumaban muli ang Pambansang Kamao na si Pacquiao sa buwan ng Disyembre.


Ayaw namang banggitin ng source kung sino ang posibleng kalabanin ni Pacquiao sakaling magdesisyon itong lumabang muli.“Kahit magiging 43 na si Pacquiao sa Disyembre ay hindi pa rin ito nagsasawa sa boksing at hinahanap hanap ng katawan nito ang pakikipagsuntukan sa nasabing sports,” anang source.


Kung matatandaan, mismong si Ugas ang nagsabi na bukas siya para sa rematch nila Pacquiao matapos ang panalo nito noong noong Agosto 22 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.


Ayon kay Pacquiao naging ugat umano ng pagkatalo niya ang paninigas ng kanyang binti sa laban kaya hindi nito mapasok ang depensa ni Ugas. Marami naman ang nagsabi na nasobrahan si Pacquiao sa ensayo at bumigay ang katawan nito sa araw ng laban lalo pa at mahigit 40 years old na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page