Ayaw nang paawat… SHARON, PAGOD NA, BABU NA TALAGA SA SHOWBIZ
- BULGAR

- Oct 12, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 12, 2020

Mukhang wala nang makakapigil pa kay Sharon Cuneta sa plano niyang pagreretiro, na matatandaang matagal na niyang binabanggit-banggit.
Sa kanyang latest post sa kanyang mga social media accounts ay muli na naman itong inulit ni Megastar na labis na ikinalungkot ng kanyang mga fans.
Nag-upload ng larawan niya si Megastar na nakapikit at parang natutulog at sa caption ay sinabi niyang pagod na siya.
“Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you!” ang caption ni Sharon sa larawan.
Sa main caption naman, she wrote, “On my way to retirement…”
Ang nasabing post ay nagdulot ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizens and fans.
Napakaraming nagkomento na huwag muna siyang magretiro. Isa sa pinakaunang nag-react ay si Alex Gonzaga na naglagay ng crying emojis.
“Naiiyak ako. Love you Ma @reallysharoncuneta,” komento ng isang Sharonian.
“Don’t give up on us, please. We will always be here for you no matter what. I love you so much, my Megastar,” pahayag naman ng isa pang tagahanga ni Mega.
“Puwede ka po munang mag-rest. Hindi pa kami ready na mag-retire ka,” reaksiyon naman ng isa pa.
“Please not now, we love you,” comment ng isa pa.
Ang iba naman ay naiintindihan si Sharon sa kanyang desisyon at inirerespeto raw nila ito’t agree sila na panahon na rin para mamahinga ang kanilang idolo na bata pa’y nagtatrabaho na.
“Since you were 12 years old, you gave your heart to us your fans! All you do is for your fans! It’s so hard to let you go! It’s hard to imagine that one of these days, we won’t see you in the big screen! You take a break now! We your fans we always be here- FOREVER!!!” pahayag ng isang tagahanga.
“Have a blessful and wonderful day! Take care! All I wish is your happiness and well being, you deserve it! After you've been through,” reply naman ng isa pang fan.
“I will respect whatever decision you make. Thank you for the 42 years. Much love and respect,” another fan stated.
Matatandaang as early as 2015 ay nababanggit na ni Sharon na plano niyang umalis na sa showbiz in 4-5 years.
Last year, she mentioned na she would retire at age 55. She’s 54 now, so kung 'di siya talaga mapipigilan, she would be retiring next year.
Although mukhang desidido na talaga si Sharon sa planong pagreretiro, still ay hindi pa rin natin masabi, 'di ba naman? We all know na passion ni Mega ang pagkanta’t pag-arte kaya sure kaming hahanapin niya ito once na tumigil siya.





Comments