Ayaw namang aminin… PAOLO, KAY YEN NA LANG UMIIKOT ANG MUNDO, DEDMA NA SA ANAK
- BULGAR
- Jan 7, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 07, 2022

Nasa Boracay sina Paolo Contis at Yen Santos during the Holidays kaya hindi nagawa ni Paolo ang plano niyang dalawin ang anak na si Summer sa New York noong Pasko. At hindi rin niya nakasama nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Summer.
Mahal na mahal ni Paolo si Summer. Kahit papaano ay na-miss din niya ang anak nila ni LJ. Pero, feeling ni Paolo, hindi pa napapanahon na siya ay makipagkita kay Summer dahil hindi pa sila okey ni LJ Reyes. Alam niyang hindi pa nakaka-move on si LJ sa kanilang paghihiwalay.
Pero, ang tanong ng marami, nag-effort ba naman si Paolo na batiin o tawagan si LJ noong Pasko? Napadalhan ba niya ng pamasko at birthday gift ang kanyang anak na si Summer?
Baka sa sobrang aligaga ni Paolo sa pamamasyal kasama si Yen ay limot na niya sina LJ at Summer?
Kay Yen Santos na lang umiikot ang mundo ni Paolo Contis. Pero, bakit hindi pa nila ganap na maamin sa publiko ang kanilang relasyon?
Comments