Ayaw na raw sanang balikan… SEN. IMEE, UMAMING NA-TRAUMA NANG PAALISIN SILA SA M'CAÑANG
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 18, 2022
Wa' kiyems, marami sa mga um-attend ng grand mediacon kahapon ng Maid in Malacañang movie ang nag-goosebumps nang mapanood ang trailer ng idinirek ng most controversial director ngayong si Direk Darryl Yap.
May kakaibang dating ang mga eksena ng pelikula na magiging interesado ka talagang panoorin ang kabuuan kapag nag-showing na ito on August 3 sa mga sinehan nationwide.
Nakakatuwang lahat ng artista ng movie ay may kani-kanyang 'moment' sa pangunguna nina Cesar Montano (as the late Ferdinand Marcos, Sr.), Ruffa Gutierrez (Imelda Marcos), Cristine Reyes (Sen. Imee Marcos), Diego Loyzaga (now Pres. Bongbong Marcos), Ella Cruz (Irene Marcos) at maging ang tatlong gumaganap na maids sa movie na sina veteran actress Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at Karla Estrada.
Present silang lahat sa presscon pati ang supporting cast na sina Kiko Estrada at Kyle Velino. At siyempre, si Madam Sen. Imee Marcos na very hands-on at cooperative sa Viva Films movie na ito.
Sa Q&A portion, natanong namin si Sen. Imee kung ano ang mga nag-flashback sa kanya nang mapanood ang trailer ng Maid in Malacañang kung saan may dialogue roon ang kanyang inang si Madame Imelda Marcos na "Hindi na tayo makakabalik," habang ang kanyang the late dad ay nagsabi namang "Makakabalik pa tayo."
Obyus na nagpipigil lang ng emosyon si Sen. Imee pero halata sa boses nito ang lungkot at bigat ng nararamdaman dahil sabi nga niya, 'painful at traumatic' ang last 72 hours nila sa Malacañang bago sila pinaalis ng pumalit kay ex-Pres. Marcos na si the late Pres. Cory Aquino.
"Sa totoo lang, it was quite painful and traumatic, so I actually told (Direk) Darryl, 'Ayoko nang balikan, puwede ba?' Pero nu'ng inisa-isa namin kung ano'ng nangyari, naiintindihan ko na kung bakit may kuwento ru'n talaga.
"It was a difficult process also for me because of what occurred, it was painful not only to my family but I think to many, many people who were close to us and I did not want to relive that again. At the same time, I felt an obligation all these years to tell our side of the story, ang iba't ibang mga kuwento tungkol sa panahong 'yun sa iba't ibang sektor, pero 'yung talagang nabuhay noon at nandu'n sa Malacañang, eh, siguro kami lang. So, dapat ikuwento rin namin para may kabuuan ang ating kasaysayan."
At sa tanong kung ano'ng feeling niya ngayong nakabalik na talaga sila sa Malacañang, sagot ni Sen. Imee, "You know, Malacañang is only a place. Ang totoo, du'n na kami galing, eh. Hindi big deal 'yung makabalik. Hindi sa minamaliit ko pero hindi 'yun ang mahalaga. Mahalaga, 'yung legacy ng tatay ko, na 'yung apelyido at pamilya namin, ay maahon at makabangon."
Oh, ha?! So, malinaw na kung bakit nakumbinse si Sen. Imee ni Direk Darryl na gawing pelikula ang last 72 hours nila sa Malacañang.
Well, as we said earlier, sinu-shooting pa lang ang movie ay controversial na at feeling namin, kapag napanood ang kabuuan nito sa premiere night sa July 29 sa SM North EDSA at sa regular showing sa mga sinehan sa August 3, marami pang issue ang muling pag-uusapan.
Paaaak!!!





Comments