top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ayaw na raw lumabas ng bahay… RUFA MAE, SISING-SISI NA NAGPA-BOTOX

BULGAR
Jun 6, 2022
1 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 6, 2022



‘Kaaliw naman ang ‘big reveal’ ni Rufa Mae Quinto sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa vlog nitong Toni Talks.


Naitanong kasi ni Toni kay RMQ kung ano bang pinagsisisihan nito sa buhay.

“Kung may isang bagay ka naman na pinagsisisihan sa buhay mo, ano 'yun?" tanong ni Toni.


Sagot ni Rufa Mae, “Siguro, pinagsisisihan ko, 'yung nagpaano 'ko... Alam mo 'yun, 'yung nagpalagay ka ng botox.”


Natawa tuloy si Toni sa ibinulgar ni Rufa Mae.


Sabi pa ng komedyana, “Hindi ko masabi kasi uso, eh, 'no? Nu'ng nagpalagay ako, Diyos ko, ayoko nang lumabas. Sabi ko, 'Ba't ganito?'”


Sagot tuloy ni Toni, “Ang lalim ng pinagsisihan mo, grabe. Botox.”


Dagdag na kuwento ni Rufa Mae, “Masakit sa 'kin kasi parang iba na 'yung mukha ko. Kahit hindi ako nagagandahan sa sarili ko, basta gusto ko 'yung… Ayoko 'yung titingin, tapos hindi na ako. Tingin ka sa salamin, 'yung isa, bumababa na. Kasi 'pag halimbawa, bumababa na, tapos itong isa, nakaangat pa, ay, follow-up na naman, gaganu'n!


“Hay, sabi ko, 'Ayoko nang lumabas!'”

Hahahaha! Wala talagang kupas si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae)!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page