Ayaw makagulo sa magdyowa… BIMBY, HIHIWALAY NA KINA KRIS AT MEL
ni Nitz Miralles - @Bida | November 22, 2021

May pa-update si Kris Aquino sa kasal nila ni Mel Sarmiento. May wedding date na raw sila, “But we’re keeping that for ourselves... Sobrang simpleng event na magugulat talaga kayo.
Definitely, walang “Princess Intan” moment.”
Si Princess Intan ang karakter na ginampanan niya sa Crazy Rich Asians.
Ibinalita rin ni Kris na magsosolo na si Bimby, pero the same place kung saan sila nakatira ni Mel.
“We are leasing 2 units, 1 floor apart,” ani Kris, kaya magkikita pa rin nang madalas ang mag-ina.
Marami ang pumuri kay Bimb dahil hihiwalay ng tirahan to give his mom and Mel the privacy that they needed.
Ang malaki pang balita kay Kris, gagawa siya ng movie next year at inaayos pa ang schedule dahil tutulong sila ni Mel na ikampanya si Leni Robredo.
Actually, walang binanggit na pangalan si Kris sa post niyang “Nag-commit ako (pati rin s’ya) na may tutulungan sa maraming paraan including sa pag-ikot ng Pilipinas slowly starting this January 2022. Obviously, alam n’yo na kung sino ang aking tinutukoy kasi pareho na kami ng favorite color ngayon - I’m sure lahat ng followers ko, alam kung ano ‘yung forever favorite color ko. #pink.”





Comments