top of page
Pokwang.jpg

Ayaw mag-face mask, todo-selfie rin sa mga fans… WALLY, AMINADONG PASAWAY, NAGKA-COVID

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 14, 2020




May aral na matututunan sa nangyari sa comedian-TV host na si Wally Bayola na matagal nawala sa Eat… Bulaga! dahil nadale ng Covid-19.


Naging pabaya raw kasi siya noon at hindi naniwala na may covid pandemic na nakakahawa at matindi ang epekto sa sinumang magkakasakit.


Ayon na rin kay Wally, masyado siyang napagod sa pagsusuot ng face mask at face shield. Kaya minsan, nang umuwi siya ay hindi na nagsuot ng pamprotekta laban sa virus.


At nang may mga lumapit sa kanya para magpa-picture ay hindi na niya ginawa ang safety protocols. Hindi niya inisip na tatamaan siya ng Covid-19.


Naikuwento rin ni Wally na wala naman siyang naramdamang sintomas ng covid. Sinok lang daw siya nang sinok. At nang magpa-checkup sa ospital, saka lang na-diagnose na may Covid siya kaya kinailangan niyang mamalagi sa ospital for treatment.


Hirap na hirap daw si Wally dahil walang communication sa kanyang mga kaanak. Mahina ang signal sa ospital. Akala nga niya ay du'n na siya aabutan ng kanyang kamatayan.


Panay-panay ang kanyang dasal at awa ng Diyos, naka-survive naman siya.


Kaya ang payo niya sa mga Dabarkads at sa lahat, huwag masyadong kampante sa gitna ng pandemic. Huwag balewalain ang Covid-19 at maging maingat lagi, sumunod sa mga health protocols.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page