Ayaw gamitin ang apelyido ng ama… DENNIS, ‘DI RAW MAYAMAN KAYA ITINAKWIL NA NI CLAUDIA
- BULGAR

- Jun 10
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 10, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta
Another sampal ang inabot ni Dennis Padilla mula sa kanyang anak na si Claudia Barretto.
Pinalitan na kasi ni Claudia ang kanyang apelyido, ipinatanggal ang kay Dennis na ‘Baldivia’ at ginawang Barretto.
Natural lang na malungkot at masaktan si Dennis sa ginawa ni Claudia. Pero sa kabila nito, hindi raw nagbago ang pagmamahal niya kay Claudia.
Inilabas ni Dennis ang kanyang saloobin sa ginawa ng anak sa Instagram (IG) kahapon.
“If my sadness will bring joy to you, my children… My heart is full. Same love. Same hope (heart emoji),” caption ni Dennis sa kanyang latest IG post.
Ishinare ni Dennis ang picture niya kasama ang mga anak na sina Julia at Claudia Barretto noong mga bata pa sila. Sa picture nila ay may nakalagay na comment si Dennis, pati na ang tunay nilang apelyido na Baldivia.
“MISS YOU, Julia and Claudia. With or without the family name… Same love, same hope…” sabi ni Dennis.
Iba-iba ang komento ng mga netizens sa post ni Dennis.
Sey ng mga Marites…
“Kung mayaman ka, ‘di nila ‘yan gagawin sa ‘yo. Pasensiya na, mahirap ka lang, eh. Masakit talaga at malungkot ang ginawa nila sa ‘yo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, ipagdasal n’yo na lang sila.”
“Bakit kailangan pang tanggalin ang family name? ‘Pag nag-asawa sila, mawawala rin ‘yun. Maybe no more love from father, but still, the blood of the father will always remain. Kawawa si Dennis. ‘Di ka kasi millionaire.”
“Imagine. What made the children decide? Grabe ang trauma na naibigay mo po sa mga anak mo. Kaya for peace of mind, hayaan n’yo na po sila.”
“NARC (narcissist), please consult a doctor na.”
“Bakit galit na galit kayo kay Dennis? Ano ba ang nagawa niya?”
“Paawa effect lagi. Hay!”
“Lumabas na illegitimate child sila kasi pinalitan ang apelyido nila. Pinalitan dahil ‘di magandang pakinggan at mas maganda pakinggan ang Barretto.”
“Panay post, ayaw na lang manahimik.”
“Happy Father's Day po. They will always be your children.”
With his IG post, baka naman maalaala si Dennis Padilla ng kanyang mga anak sa nalalapit na Father’s Day at samahan ang kanilang ama na mag-celebrate.
Julia, dedma na lang sa past ng aktor at ng ex…
KATHERINE, UMIYAK NANG MAKITA AT MAYAKAP ULI SI COCO
UMIYAK ang aktres na si Katherine Luna nang makita at mayakap siya ni Coco Martin sa promo ng inaabangang serye nito kasama si Julia Montes, ang Coco Martin’s Sigabo.
Hindi lingid sa showbiz na nagkaroon ng relasyon sina Coco at Katherine noong kanilang indie film era.
Nang malaman ni Coco ang kalagayan ni Katherine, hindi siya nag-atubiling tumulong sa pagpapaopera ng mata nito.
Kaya naman, naging emosyonal si Katherine nang muli silang magkita kamakailan. Kitang-kita ang kanyang tuwa at pasasalamat sa aktor.
Dedma na rin si Julia sa nakaraan nina Coco at Katherine. Past is past nga naman. Ang mahalaga, maayos ang samahan ng lahat.
Ganyan kabuti ang puso ni Coco kaya naman patuloy din siyang minamahal ng publiko.
Samantala, dinumog ng libu-libong Kapamilya sina Coco at Julia sa nationwide motorcade para sa inaabangang ABS-CBN primetime series na Coco Martin’s Sigabo.
Patunay ito ng patuloy na suporta at pagmamahal ng mga manonood sa dalawa.
Tutukan ang mga maaaksiyong tagpo simula Hunyo 22, 8 PM, sa ABS-CBN, ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT).





Comments