top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ayaw daw matulad sa kanya noon, Cesar… KINITA NI DIEGO SA 5 SHOWS, INUBOS SA BINYAG NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 4, 2024



Showbiz Photo
Photo: Diego Loyzaga, Alexis Suapengco at Hailey

Mistulang pang-debut ang ginastos ni Diego Loyzaga sa binyag-birthday ng anak niyang si Hailey. 


Naipangako ni Diego sa anak na itataguyod niya ito at hindi ipararanas ang kanyang mga pinagdaanan nu’ng bata pa siya. 


Naalala ng aktor na binata na siya nang makita at makapiling ang amang si Cesar Montano. Marami siyang tanong at sama ng loob dahil lumaki siya na hindi nakaranas ng pagmamahal ng isang ama. 


Kaya hindi niya hahayaan na danasin ito ng anak na si Hailey. Pinaghandaan nga ni Diego ang binyag/birthday ng kanyang panganay. Ang kinita niya sa limang out of town shows ang kanyang ginastos sa binyag ng anak nu’ng May 26. 


Dumalo sa okasyon ang kanyang amang si Cesar at ang nanay ng kanyang anak na si Alexis Suapengco. Naroon din sina Cristine Reyes, Julia Barretto, Coleen Garcia at malalapit na kaibigan at kamag-anak niya.


Mabenta ngayon si Diego Loyzaga sa mga shows. May movie rin siya ngayon with Coleen Garcia.


Well, reaction naman ng mga netizens, dapat ay hindi hiniwalayan ni Diego ang ina ng kanyang anak kung talagang gusto niya itong bigyan ng maayos na buhay. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page