Ayaw daw makabastos, nagpaalam muna…

BEA, NAGPUNTA PA SA BAHAY NG BOSSING NG DOS PARA SA MOVIE NILA NI ALDEN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 14, 2021

Bago pala umoo si Bea Alonzo na gawin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Alden Richards ay may nilapitan muna siyang tao.
“I think he’s a very, very good actor. Napanood ko 'yung Hello, Love, Goodbye, sobrang galing nila ni Kathryn (Bernardo) doon,” lahad ni Bea.
Aware ang lahat na dating Kapamilya actress si Bea. Halos dalawang dekada ang itinagal niya sa Star Magic.
May nagtanong kung papaano ba siya napaoo para gawin na ang movie with Alden kung saan ang magpo-produce ay ang Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.
Ito rin ang unang pelikulang gagawin ni Bea na hindi na connected sa Star Cinema.
Ayon kay Bea, personal siyang pumunta sa bahay ni ABC-CBN CEO-President Carlo Katigbak para humingi ng permiso. Pagbibigay-respeto raw dahil ayaw naman niyang makaapak ng tao. Besides, ang Kapamilya ang nag-establish sa isang Bea Alonzo.
Kasama raw niya si John Lloyd Cruz nang pumunta sa house ni Katigbak. Pinag-usapan daw nila ang dapat sana’y reunion movie nila ni Lloydie. (As far as I know, matutuloy ang reunion movie, ayon kay Direk Olive Lamasan.)
Dagdag pa ng aktres, “Gusto kong hingin 'yung blessing niya and naging ano naman sila, mabait. Even before we said yes to doing a project with Alden, nagkaroon kami ng courtesy to tell them first before we even agreed.”
So far, wala nang agam-agam si Bea.
At sa pagkakaalam namin, nag-uumpisa nang mag-shoot ang Kapuso actor at freelance actress.





Comments