Awww! PIKTYUR NI BEA, TINANGGAL NA SA HALLWAY NG ABS-CBN
- BULGAR
- Nov 27, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 27, 2021

May bagong pinupulutan na naman ang mga netizens. Binaklas na kasi umano ang malaking portrait ni Bea Alonzo na nakahilera sa ABS-CBN Hallway.
Hindi raw sinasadyang mahagip sa IG story ni Kim Chiu ang pagbabaklas sa malaking portrait ng dating Kapamilya actress.
Sa IG Story kasi ni Kim ay nagkukulitan sila ni T'yang Amy Perez, ang co-host niya sa noontime show na It's Showtime.
Habang nagkakatuwaang naghaharutan ang dalawang hosts, kinukunan ng video ng Chinita Princess ang kanilang ginagawa at saka in-upload sa kanyang Instagram story.
Sa background ng video, hindi sinasadyang nahagip ng kamera ang isang guy na mistulang nagtatanggal ng isang malaking larawan.
Mabilis ang mga mata ng netizen sa pag-spot na ang binabaklas na malaking portrait ay kay Bea.
Pinapagitnaan daw kasi si Bea ng dalawang aktor na sina Piolo Pascual at Jericho Rosales.
Bakante na nga raw ang pinaglalagyan ng portrait ni Bea.
Ang tanong tuloy ng mga netizens, kaninong portrait kaya ang ipapalit sa larawan ni Bea? Kay Janine Gutierrez ba o kay Lovi Poe?
Samantala, deleted na raw sa IG story ang video na in-upload ni Kim.
Nagbiro pa nga raw ang girlfriend ni Xian Lim, “Eto namang si @FashionPulis, ginawan pa 'ko ng issue. Ikaw talaga. Kurutin kita sa singit, eh! Mag-2022 na powz. Peace and calm na lang tayey 'pag keri. Love love love! Sabi nga ni Ate Kris!”





Comments