Awww! JOSHUA, AMINADONG NAPAPALITAN NG IBANG AKTOR DAHIL BANONG UMARTE
- BULGAR
- Jun 20, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 20, 2021

Sa naging panayam ng Pop Cinema sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia, sinabi niyang after a year na siya'y naging housemate sa PBB All In Bahay Ni Kuya nu'ng 2014, kumuha agad siya ng acting workshop sa actor na si Pen Medina upang ma-improve ang kanyang skills at para maikonsidera rin sa mga mahahalagang roles sa mga programa ng ABS-CBN.
“Nagsimula 'yung pagmamahal ko sa acting simula noong isang taon na ‘ko sa showbiz. Dumaan kasi ako sa parang walang trabahong ibinibigay sa 'kin. Napapalitan ako ng ibang artists. Ginawa ko nu’n, nagpa-workshop ako kay Tito Pen Medina. Ako talaga ang nagbayad. Kahit wala pa ‘kong pera nu’n masyado, nagbayad ako,” sabi ni Joshua.
Isang araw lang daw ang naging workshop pero namangha siya sa itinuro at ipinakita ng veteran actor.
“Gumawa siya ng scenes sa ‘kin, nagbilang lang siya ng 1-10, tapos pagdating ng 10, umiiyak na siya bigla. Ang galing! Sobrang solid siya magturo,” kuwento pa ng young actor.
Sa kanyang tiyaga para matuto ng acting, siya'y pinalad na mapasama sa box office hit na Barcelona: A Love Untold na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at idinirehe ni Olivia Lamasan noong 2016.
Simula noon, naging parte na rin si Joshua ng malalaking proyekto tulad ng The Greatest Love. Ito naman ang naging daan para makuha niya ang starring role sa The Good Son.
Sinundan pa ito ng TV series na The Killer Bride kung saan nakasama niya sina Janella Salvador at Maja Salvador.
“Sa umpisa lang talaga mahirap, kasi siyempre, hindi ko talaga gusto ang acting before. 'Yun 'yung example na minahal ko lang talaga siya kaya naging para sa 'kin,” aniya.





Comments