top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Away sa anak... Misis, kinatay ng ka-live-in

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | November 16, 2026



Live in partner patay - Circulated

Photo: Circulated / SS



Nasawi ang isang 36-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Consolacion, Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktima na si "Mary,” na nagtamo ng 16 na sasaksa, at naulila nito ang kanyang tatlong anak.


Batay sa imbestigasyon, natagpuan ng mga kapitbahay ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng bahay at hindi nadatnan ang live-in partner nito na si "Ronnil.”

Batay sa pahayag ng mga kapitbahay, madalas mag-away ang biktima at kinakasama nito, at nakararanas din umano ito ng pananakit mula sa suspek.


Nagtago sa Bukidnon ang suspek subalit kalaunan ay sumuko sa mga awtoridad. Aniya, may kinalaman sa kanilang anak ang dahilan ng krimen at nagsisi umano ito sa kanyang nagawa.


Inihahanda na ng Cagayan de Oro City Police ang kasong isasampa sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page