top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Awang-awa sa mga sinalanta ni Ulysses… VICE SA MGA TAGA-GOBYERNO: GALINGAN N'YO ANG TRABAHO N'YO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2020
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | November 17, 2020




In-express ng Kapamilya star na si Kim Chiu sa kanyang mga social media accounts ang lungkot sa sinapit ng mga kababayan natin dahil sa hagupit ng mga bagyong sina Rolly at Ulysses.


Back-to-back typhoon kasi ang dumating at nanalasa sa ating bansa sa loob lamang ng isang buwan.


"Typhoon #Ulysses and typhoon #Rolly made a big damage to most of our kababayans. We didn't see it coming na ganu'n kalaki ang bagyong tatama sa atin. Seeing the videos and photos really broke our hearts. We have each other, we always have one another," panimula ng caption ni Kim sa larawang ipinost niya kung saan puwedeng magpadala ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.


Nanaig ang pagiging "Kapamilya" ni Kim sa pagpapakita ng malasakit sa ating mga kababayan.


"Bilang Kapamilya, still… IN THE SERVICE OF THE FILIPINO! Here are ways on where to donate para makatulong po tayo sa ating mga kababayan. Any amount will do! Malayo na po ang mararating ng kahit na anong halaga. #sagipkapamilyaulysses," karugtong na caption ng It's Showtime host.


Dahil sa laki ng nakita ni Kim na pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses sa mga kababayan natin, umigting ang pagnanasa niya na ituloy ang pinaplanong benefit concert niya for this year.


Nu'ng una raw kasing binalak ang benefit concert ni Kim ay nagdalawang-isip siya. Pero dahil sa Bagyong Ulysses, naging "sign" ito para magdesisyon siya na ituloy na.


Excited naman daw siya na gawin ang benefit concert, at the same time, makakatulong daw ito para sa maraming tao.


Plano rin ni Kim na imbitahan ang ibang YouTube content creators na makibahagi sa kanyang benefit concert.


Samantala, nagsimula na rin si Kim para sa bago niyang show sa ABS-CBN. This is the reason kaya absent siya sa It's Showtime last Monday, habang nakabalik na ang mga hosts ng It's Showtime na sina Vice Ganda, Ion Perez at Jhong Hilario pagkatapos "bagyuhin" sa Balesin island last week.


Say ni Vice sa opening ng It's Showtime kahapon, nakakatakot at nakaka-trauma raw talaga ang naging experience nila sa Balesin. At may personal account daw sila kung gaano talaga kalakas ang bagyo.


Pero nu'ng nakita raw nila ang sinapit ng mga kababayan natin sa iba't ibang lugar sa bansa, mas nalungkot daw siya. Kumpara raw kasi sa nangyari sa kanila sa Balesin, walang-wala 'yun sa naranasan ng mga kababayan natin na hardly hit talaga.


Kaya naman naisipan din ni Vice na magbuo ng fundraising campaign para sa kanila. Binuo niya ang "Fundkabogable Donation Drive."


At sa pamahalaan naman, eto ang sabi ni Vice sa It's Showtime, "Sa lahat ng sangay ng gobyerno, nananawagan po kami. Pagkahusayan ninyo pa po ang ginagawa ninyong trabaho at sasamahan po namin kayo."


Nagkaroon din ng panawagan ang It's Showtime family para makiisa ang madlang pipol sa kampanya ng pagtulong ng ABS-CBN via Sagip Kapamilya sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.


Going back to Kim, inulan naman ng pagbati ang aktres mula sa kanyang mga fans and netizens dahil umabot na sa dalawang milyon ang YouTube subscribers niya.

Wow!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page