top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

Atras tumakbo, pero… GERALD, AMINADONG NAGAGAMIT ANG MGA KAIBIGAN SA PULITIKA

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 8, 2026



BULGARY - GERALD, AMINADONG NAGAGAMIT ANG MGA KAIBIGAN SA PULITIKA_IG _andersongeraldjr

Photo: IG _andersongeraldjr



Inamin ni Gerald Anderson na nakakatanggap siya ng offers na tumakbo sa isang political position.


“S’yempre, ayaw kong magsinungaling, pero obviously, meron,” pag-amin ng aktor.

Hindi naman nilinaw ni Gerald kung ano’ng posisyon ang inialok sa kanya o kung ito ba ay para sa lokal o pambansang posisyon.


Sinabi niyang hindi pa niya panahon para pasukin ang mundo ng pulitika dahil marami pa siyang gustong gawin bilang artista.


“But hindi, ‘di po, eh. Marami pa akong kuwento, istorya na gusto ko pang gawin. Masaya ako sa pag-aartista. Nakikita ninyo naman na nakakagawa ako ng Pusong Bayani, may mga gagawin pa tayo in the future,” aniya.


Ayon pa sa aktor, ginagawa niya ang serye tungkol sa mga sundalo at sa mga nangyayari sa Pilipinas.


“Masaya naman po ako bilang isang artista. Marami rin tayong nagagawa. Marami ring oportunidad. May mga kaibigan din ako sa pulitika so kumbaga pangit ‘yung word, nagagamit ko rin sila, para makatulong sa mga tao. Sa ngayon, ‘yun ‘yung purpose ko as a celebrity,” saad niya.


Well, kung sakaling tatakbo si Gerald, ano kayang posisyon?





Singer, na-bash…

LYCA, UMAMING PARA SA PERA KAYA TUMULONG KINA PBBM AT SARA



NAGSALITA na ang first-ever grand winner of The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod tungkol sa matinding bashing na natanggap niya noong 2022 matapos niyang i-follow sa social media ang accounts nina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) at Vice-President (VP) Sara Duterte at mag-perform sa isa sa kanilang campaign rallies.


Sa kanyang guest appearance sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) noong Martes, ipinaliwanag ng singer na hindi niya itinuring na political statement ang kanyang social media activity noong panahong iyon.


Ayon kay Lyca, wala siyang personal na intensiyon sa pag-follow sa mga public figure at hindi rin siya interesado sa pulitika.


“Ako naman, pagdating sa social media, puwede kong i-follow ang kahit na sino. ‘Di naman talaga mahalaga sa ‘kin, ‘di naman personal. Walang naging isyu. Sabi ko, wala talaga akong pakialam sa pulitika,” sabi ni Lyca.


Kasabay nito, ibinahagi ni Lyca ang pinagdaanan ng kanilang pamilya noong 2022 nang ma-stroke ang kanyang ama. Dahil dito, lahat ng puwedeng pagkakitaan ay tinanggap niya, kabilang ang pagpe-perform sa campaign event, dahil nais niyang makatulong.


Paliwanag niya, “So lahat po ng work, tinanggap ko kahit ano pa ‘yan. Ma-bash man ako, kahit anumang sabihin ng ibang tao, basta para sa pamilya ko lalo na po sa papa ko nu’ng time na ‘yun, gagawin ko po ‘yun (mag-endorse ng pulitiko). Dahil wala akong ibang hiling kundi gumaling s’ya. ‘Yun po ‘yung pinakamahirap na nangyari sa buhay namin.”


Well, sumikat muli siya matapos ang ilang taon dahil nag-viral online ang kanyang mga nakakatawang reaksiyon sa mga interviews noong bata pa siya at ngayon lang umingay ang kanta niyang Puede Nang Mangarap. 


Dahil dito, muling napunta sa spotlight si Lyca at may ilang netizens na inungkat ang tungkol sa kanyang political views.


Sey niya pa noong nakaraan sa isang Instagram (IG) post, “I don’t have anything to prove to you. I worked hard for my family. Please don’t take it personally. Love you, y’all.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page