Atras maging pulitiko pero… RUFFA, GAME MAUPO SA DFA O TOURISM
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 19, 2021

Nakakaaliw si Ruffa Gutierrez.
Guest sa Magandang Buhay ang former beauty queen. Nataong nasa dressing room ang batikang manunulat na si Ogie Diaz.
Kinunan niya ng panayam si Ruffa hinggil sa kanila ng aktor-pulitiko na si Herbert Bautista. Nag-partner kasi ang dalawa sa serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na The House Arrest of Us.
Ani Ogie, "Musta na kayo ni Herbert?"
"Bakit, ano'ng meron kay Herbert?" balik-tanong ng anak ni Annabelle Rama.
"Nabalitaan ko na may isyu raw sa inyong dalawa."
"Ha? Wala. Saan naman nanggaling ang balitang 'yan?" natatawang sabi ni Ruffa.
Dahil walang mapiga sa beauty queen-actress, iniba ni Papa Ogs ang tanong.
"Balitang tatakbo ka raw, ano'ng nangyari at hindi natuloy?" tanong ni Ogie.
"Ah, 'yun ba? May mga nagpapatakbo ng konsehal o 'di kaya, congresswoman, kung hindi sa Cebu, sa Quezon City," ani Ruffa.
Pero sabi ng aktres-TV host, bakit kailangan pang tumakbo kung puwede naman daw na bigyan na lang ng posisyon?
Sambit naman ng magkapatid na Gelli at Janice de Belen, "Ah, tinutukoy mo, appointee?"
"If ever naman bibigyan nila ako, ang gusto ko ay sa Department of Foreign Affairs o 'di kaya sa Tourism, d'yan kasi ang alam kong nababagay sa akin."
So, willing palang humawak ng posisyon sa gobyerno si Ruffa.





Comments